• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya walang rivalry nang i-launch bilang sexy stars… DIANA, MAUI at AUBREY, nagpapasalamat na ‘di pa uso ang social media

KASALUKUYANG naghahanda na ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para matulungan ang mga apektado ng matinding pagbaha at walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong Carina.
Para sa mga nais na magpaabot ng tulong sa mga apektado sa patuloy na pagragasa ng Bagyong Carina, maaari itong ipadaan sa GMAKF.
Maari din magdeposito sa mga bank account ng GMAKF, o via online sa GCash, Shopee, Lazada, at Metrobank credit cards. Maaari ring magpadala sa Cebuana Lhuillier.
Pumunta lamang sa link na ito para sa kumpletonginstructions: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.
***
NAGPAPASALAMAT sina Diana Zubiri, Maui Taylor at Aubrey Miles na hindi pa uso ang social media noong ni-launch sila bilang mga sexy stars ng New Millennium kaya walang nabuong rivalry sa kanila noong namayagpag sila sa paggawa ng mga sexy movies.
Ni-launch si Diana sa Seiko Films, si Maui sa Viva Films at si Aubrey sa Regal Films, kaya may kanya-kanya silang mga projects at naging magkaibigan pa sila nung maging cover girls sila noon ng FHM magazine.
At dahil sa kanilang image, nasangkot sila sa iba’t ibang kontrobersya. Tulad ni Diana na nag-pose na naka-bikini sa EDSA-Shaw flyover na nauwi sa demandahan. Pero nagkapatawaran sila dahil nag-apologize si Diana at ang magazine.
Si Maui ay inusisa sa kung sino ang tunay na ama niya? Sinabi noon ni Maui na British ang tatay niya na naka-base sa London. Pero never niya itong napakitaan ng pruweba. Hanggang ngayon walang may alam kung sino ang tatay niya.
Si Aubrey naman ay natsismis na noon na may anak na, pero super-deny siya noon. Pero inamin din niya na may anak sila ni JP Obligacion named John Maurie na 26-year old na ngayon. Tinago raw niya ito dahil naging sexy star siya.
Kung may social media na noon, tiyak na pinagsabong sila ng kanilang mga followers.
***
KAHIT na nakikipaglaban sa sakit na stiff-person syndrome, pumayag si Celine Dion na mag-perform sa 2024 Olympics in Paris, France.
Sey ng Canadian music legend, aawit lang daw siya ng one song: “I’ve chosen to work with all my body and soul, from head to toe, with a medical team. I want to be the best I can be. My goal is to see the Eiffel Tower again!
Ayon naman sa TMZ, ang ibabayad kay Celine ay $2 million: “That doesn’t include money for Dion to travel to Europe with her family. They’re paying a ton of money. Ridiculous amount!”
Other News
  • Medical mission sa Batangas, pinangunahan ni Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mahigit 200 delegado sa pangununa ni Gob. Daniel R. Fernando ang bumiyahe ng mahigit apat na oras upang marating ang Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas at nagsagawa ng medical mission na tinawag na “Tulong ng Bulacan Para sa Nasalanta ng Bulkang Taal Medical Mission” kahapon.   Sa pakikipagtulungan ng Damayang Filipino Movement, […]

  • Sa pagkakasama sa drug list ni Los Banos Mayor Caesar Perez: PDu30, nagpaliwanag

    HAYAGANG nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkakasama ng napaslang na si Los Banos Mayor Caesar Perez sa drug list ng gobyerno.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na produkto ng intelligence report ng mga nasa drug enforcement, pulis at militar ang naging pagkakabilang ni Perez, 66 taong […]

  • Saso 2 palo lang iwan sa opener

    TUMIKADA si Yuka Saso ng Pilipinas ng six-under par 68 para mapag-iwanan lang ng dalawang palo sa pagsisimula kamakalawa, Huwebes ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Championship Minolta Cup 2020 first round sa  JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.   Magara ang umpisa ng 19 na taong gulang na Haponese-Pinay […]