• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KC, masayang-masaya na personal nang makita ang amang si Gabby

SIMULA pala nang matuto nang magdirek si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, naging dream na niyang maigawa at maidirek ang kanyang mommy, si Angelina Gonzalez Dantes sa isang commercial na kasama siya.

 

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Dingdong na three years old pa lamang siya ay sinasamahan na siya ng kanyang Mamata sa pagsu-shoot niya ng commercials at later on, sa pagti- taping niya sa TV at shoots ng movie.

 

Ang Mamata rin niya ang kanyang biggest supporter and cheerleader kahit anong performances ang gawin niya.

 

Kaya natupad ang dream na ito ni Dingdong na minsang gumagawa ang mommy niya ng Cheese Pimiento para sa kanyang online-selling ng @mamatas.kitchen ay sinabayan niya ang pagsu-shoot dito.

 

Doon nalaman ni Dingdong na three generations na pala ang paghahanda ng cheese pimiento, na namana niya sa kanyang ina, at isinalin din ng lola ni Mamata rito.

 

Hinihiling ni Dingdong na sabihin sa kanya ng ina ang sekreto ng masarap na cheese pimiento, ayaw nito, kay Marian (Rivera) raw niya sasabihin ang sekreto.

 

Nang mangulit pa si Dingdong, sabi ni Mamata, “hayaan mo, baka si Zia ang magsabi sa iyo ng sekreto ng recipe ng Cheese Pimiento.”

 

Ibig sabihin, hihintayin pa ni Dingdong na magdalaga si Zia bago niya malaman ang sekreto?

 

Samantala, patuloy ang pagti-trending ng Descendants of the Sun PH gabi-gabi sa mga fresh episodes na napapanood pagkatapos ng Encantadia.

 

*****

 

MASAYANG-MASAYA si KC Concepcion, nang after almost eight months na hindi sila nagkikita nang personal ng amang si Gabby Concepcion dahil pareho silang inabutan ng lockdown gawa sa enhanced com- munity quarantine, ay natuloy din ang pagdi-date nilang mag-ama.

 

Sa Lobo, Batangas nanatili si Gabby at si KC naman ay nasa The Farm of San Benito in Batangas, bumabalik lamang siya ng Manila kapag may important commitment siya.

 

Kaya naman enjoy na enjoy maglakad ang mag-ama along Makati Avenue at mag-dinner sa paborito nilang restaurant.

 

Naganap iyon matapos makabalik si KC from Cagayan, na namigay sila ng food packs at mineral water sa mga nasalanta ng Ulysses typhoon, kasama siya nina Ruffa Gutierrez at mga anak nitong sina Lorin at Venice.

 

Nasa Manila na si Gabby dahil magsisimula na siya ng lock-in taping ng bago niyang romantic- comedy series na First Yaya sa GMA Network.

 

*****

 

TIYAK na magdiriwang na ang mga loyal viewers ng Bilangin ang Bituin sa Langit dahil magtatapos na ang taping ng cast na kinabibilangan nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara at sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasseer Marta, Candy Pangilinan at Divina Valencia.

 

Malapit na nga silang magbalik-telebisyon sa December, at promise ng cast, every week, iba’t ibang pasabog ang mapapanood ng netizens.

 

Bago pa raw sila bumalik sa lock-in taping, sinabi ni Direk Laurice Guillen na maraming challenges silang mararanasan sa mga eksena nilang gagawin.

 

Sa pagbabalik ng Bilangin ang Bituin sa Langit, mapapanood sila pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Mga manufacturer ng sardinas, meat loaf, corned beef, sabon, kape humirit ng dagdag presyo sa mga produkto

    HUMIRIT  ang mga manufacturer ng  sardinas, meat loaf, corned beef, kape at sabon sa Department of Trade and Industry (DTI) na taasan ang presyo ng mga nasabing produkto. Sa katunayan, nakatanggap ang DTI ng notice of price adjustment mula sa mga ito. Ayon sa departamento, masusi nilang pinag-aaralan  ang bagay na ito. Pagsusumikapan nila na […]

  • PBBM, nakiisa sa Muslim community sa pagdiriwang ng Isra Wal Mi’raj

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr. sa Muslim community sa pagdiriwang ng ‘Isra Wal Mi’raj” o The Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad.     “As one of the most celebrated events in Islam, The Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad (peace be upon him) gives a perfect picture of the […]

  • 2 walang suot na face mask, huli sa shabu

    KULONG ang dalawang katao na nasita dahil sa hindi pagsuot ng face at paglabag sa curfew hour matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Rommel Dayao, 34, at Rominick Mirandilla, 31, […]