Kelot isinelda sa panghahalay sa nene sa Navotas
- Published on November 7, 2022
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos gahasain ang isang menor-de-edad na babae na may problema umano sa pag-iisip sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang suspek bilang si Rodante Tenso, 40 ng 147 R. Domingo St., Brgy. Tangos North.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, lumabas ang biktima na itinago sa pangalang “Marimar” upang bumili ng pagkain nang lapitan ng suspek ay yayain na sumama sa kanya dakong alas-3 ng hapon.
Sumama naman umano ang biktima sa bahay ng suspek kung saan siya pinagbantaan nito bago pinaghahalikan saka sapilitang ginahasa ng manyakis na lalaki.
Matapos ang insidente, lumabas ang biktima at humingi ng tulong sa mga concerned citizen na sila namang tumawag ng mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Kasong pagpabag sa RA 11648 (Statutory Rape) ang isinampa ng WCPD laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID
HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan. Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port […]
-
Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19
Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod. Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 […]
-
PBBM, pinag-aaralan ang paglikha ng internal PNP legal office
IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng kahit na anumang at sinumang police officer. Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis […]