• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Key players may tsansa pa sa National Team

Magsisilbing basehan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference para punan ang nalalabing slots sa national team.

 

 

Ayon kay women’s national team head coach Odjie Mamon, may ilang slots pa itong kailangan sa koponan kabilang na ang libero, setter at outside hitter positions.

 

 

“We definitely need ano­ther setter and another libero because the current ones we have on the lineup are young. So we need a veteran libero to beef up the team,” ani Mamon

 

 

Dahil dito, may pagkakataon pang makapasok sa national team ang ilang key players na bigong makapunta sa volleyball tryouts noong Abril sa Subic.

 

 

Kabilang na rito sina Alyssa Valdez, Kalei Mau, Rhea Dimaculangan, Kim Fajardo, Dindin Santiago-Manabat, Jia Morado at Dawn Macandili.

 

 

Wala rin sa tryouts sina Myla Pablo, Ces Molina, Kat Tolentino, MJ Phillips, Kim Dy, Alleiah Malaluan, Risa Sato, Bea De Leon, Maddie Madayag, Marist Layug, Thea Gagate at Lorene Toring.

 

 

Mayroon lamang 16 players ang nasa pool.

 

 

Pasok sina Jaja Santiago, Aby Maraño, Majoy Baron, Eya Laure, Mylene Paat, Iris Tolenada, Kamille Cal, Faith Nisperos, Ivy Lacsina, Mhicaela Belen, Dell Palomata, Ria Meneses, Imee Hernandez, Jennifer Nierva at Bernadette Pepito.

 

 

Hahawakan din ang Pinay spikers ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito na inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.

Other News
  • Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba

    BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023.     Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families.     […]

  • DIVI MALL GIGIBAIN, VENDORS ILILIPAT SA PRITIL MARKET

    NAKATAKDANG ilipat ang may 500 manininda na nakapuwesto sa Divisoria Public Market na nakatakdang gibain ngayong taon.     Ayon kay Manila City Administrator Felixberto Espiritu, sa oras na matapos ang konstruksiyon sa ikalawang palapag ng Pritil Market ay maaari nang lumipat ang mga nasabing vendors na magmumula sa Divisoria Public Market ng Divisoria Mall, […]

  • Mo, Billy pupukpukin ni Leo sa center post

    LEHITIMONG natirang sentro sina Moala Tautuaa at Billy Mamaril sa San Miguel Beer para sa parating na 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup sa papasok na buwan.   Ang dalawa muna ang ipantatapat ni coach Leovino Austria sa 11 kalabang mga koponan habang hindi pa nakakahanap ng dagdag na pamasak sa gitna sa paglaho […]