Kian Bill inihain sa Kamara
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
INIHAIN sa Kamara ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang “Kian Bill” o ang Public Health Approach to Drug Use Act na naglalayong magpatupad ng makataong solusyon sa problema sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga indibidwal.
Ayon kay Cendaña, ang kaniyang panukala ay magsisilbing 180 degree turn mula sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpatupad ng bloody drug war na ikinasawi ng libu-libong pinaghihinalaang drug personalities.
“The Kian Bill prevents the killing of more innocent Kians. The proposed law bans the use of Tokhang or drug lists, torture, unlawful police interference, and other cruel methods used in the drug war,” anang solon.
Magugunita na ang noo’y 17-anyos na si Kian de los Santos ay napaslang sa anti-drug operations sa Caloocan City noong Agosto 2017 kung saan matapos ang ilang taon ay nahatulan ng murder ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay sa nasabing binatilyo.
Sa depensa ng mga pulis nanlaban umano ang biktima pero pinasubalian ito ng CCTV footage na nakitang hinila ito sa madilim na lugar sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima saka pinagbabaril.
Ang Kian Bill ay may counterpart na panukala sa Senado na inihain ni Sen. Risa Hontiveros. (Vina de Guzman)
-
Ravena nag-eensayo na kasama ng NeoPhoenix
MATAPOS ang maraming hadlang at problema, pormal nang nakasama sa ensayo ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa paghahanda sa kanyang debut game sa Japan basketball league. Nagtapos na ang 14-day man- datory quarantine ng 23-year-old high-flyer mula nang dumating sa Japan noong October 15. Agad na nakisalamuha si Ravena sa kanyang […]
-
Marian, naniniwala na tinadhana talaga sila ni Dingdong
TATLONG taon na ang programang Tadhana. Hindi raw makapaniwala ang host nito na si Marian Rivera na aabutin sila ng tatlong taon. Sa November 7 nga ay ang simula ng month-long special ng Tadhana. Na mula sa mga kuwentong O.F.W. lang dati, ngayon ay mga kuwento ng pag- ibig at pag-asa na ang […]
-
Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating
Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest player ng PBA. Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng […]