Kidapawan, DavNor swimmers magilas sa FINIS Mindanao leg
- Published on August 15, 2022
- by @peoplesbalita
UMAGAW ng eksena ang mga tankers ng Kidapawan Long Wave Swim Team at DavNor Blu Marlins Swim Team sa Mindanao leg ng 2022 FINIS Short Course Swim Series sa Governor Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa Matti. Davao del Sur.
Sinabi ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia na ang dalawang araw na event ay nagsisilbing qualifying para sa National Finals na nakatakda sa Agosto 20-21 sa New Clark Swimming Pool sa Tarlac.
Papasok sa national finals ang top 16 swimmers sa bawat event.
“Mahigit 100 koponan ang sumali sa huling leg ng serye dahil nakataya ang mga puwesto para sa National Finals,” wika ni Garcia. “Natuwa rin sila sa programa natin.”
Wagi sa kanilang mga events sina Kail Kahulugan, Jacob Ansale, Leonard Odell Narreto, Teofh Velez, Czarina Cavite, Shan Cyril Luga, Anthony Acedo, Ethan Bazylewicz, Rain Andrei Tumulac, John Bem Batalla, Hansel Sarayan, Kate Ytang, Jahred Carlos Basan at Zabrinah Pailagao.
Malalaking premyo ang naghihintay sa National Finals kabilang ang training package para sa mga atleta na makakabura ng national record.
Ang Mindanao leg ay sentro ng FINIS-organized Davao Del Sur Aquatics Challenge ngayong buwan dahil gaganapin din sa lalawigan ang Finis Passig Islet 5K Open Water Swim Challenge sa Agosto 27 at ang Kids of Steel Triathlon Finis Green Aquathlon sa Agosto 28 sa Digos City.
-
Imbestigasyon sa naudlot na town hall pres’l at vice pres’l debate, tatapusin ngayong linggo – COMELEC
TARGET ng Commission on Elections (COMELEC) na makumpleto ang imbestigasyon sa panghuli na sanang presidential and vice presidential debate ngayong April 23 at 24 na kapwa town hall format, ngunit ipinagpaliban sa susunod na linggo. Kaugnay ito ng kabiguan ng kanilang partner na Impact Hub na bayaran ang Sofitel Plaza na siyang ginamit […]
-
Isang kongresista, sinopla ni Sec. Roque
“Guni-guni lang po ‘yan.” Ganito kung ilarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging obserbasyon ng isang mambabatas na ang sinasabing “new variant” ng illegal pork barrel fund ay kasama sa panukalang P5.024-trillion budget para sa 2022 ng pamahalaan. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa natuklasan ni Gabriela partylist […]
-
Bagong 25-year ABS-CBN ‘franchise renewal bill’ inihain ni Sotto sa Senado
Halos walong buwan matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Kapamilya Network, isang bagong panukalang batas mula sa Senado ang naglalayong maibalik sa himpapawid ang ABS-CBN. Ito ay matapos ihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III — na kilalang TV host sa karibal na GMA-7 — ang Senate Bill 1967, […]