Knott tuloy ang training
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
NOONG Agosto pa hu-ling sumabak sa aksyon si Fil-American sprinter Kristina Knott kung saan niya binasag ang 33-year old Philippine national record ni Lydia De Vega sa women’s 100-meter dash.
Sa ‘Virtual Kumustahan’ ng Philippine Sports Commission (PSC) ay sinabi ni Knott na patuloy ang kanyang training sa Florida, USA bagama’t wala pang naitatakdang athletics competition.
“As of the moment, there are no sprinting competitions here in Florida, but I’m able to do simple trainings now to get my body going,” sabi ng 24-anyos na 2019 Southeast Asian Games double-gold medalist.
Nagposte si Knott ng bilis na 11.27 segundo sa 2020 Drake Blue Oval Showcase sa Iowa noong Agosto para sirain ang dating 11.28 segundo ni De Vega at itayo ang bagong national record sa women’s 100m dash.
Isa si Knott sa mga atleta ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na nananatili sa US bukod kina sprinter Eric Shaun Cray, pole vaulter Natalie Uy at thrower William Morrison III.
Umaasa sina Knott, Cray, Uy at Morrison na makakakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan.
Itinakbo ni Knott ang mga gintong medalya sa women’s 200m run at sa 4x100m mixed relay event ng 2019 SEA Games noong Disyembre.
Plano ni PATAFA president Philip Ella Juico na ipasok sa training ‘bubble’ ang mga national athletes sa New Clark City sa Capas, Tarlac sa Enero.
-
Wala sa tabi si Juancho dahil nasa lock-in taping: JOYCE, inaming ‘di naging madali ang first trimester sa ikalawang pagbubuntis
KINUWENTO ni Joyce Pring na hindi naging madali ang pinagdaanan niyang unang trimester sa pagbubuntis sa baby number 2 nila ni Juancho Triviño dahil nasa lock-in taping ito. August 19 noong sabihin ni Joyce kay Juancho na buntis siya ulit. Pero nasa lock-in taping daw si Juancho ng ‘Maria Clara At Ibarra’ sa malayong […]
-
National budget para sa rehabilitasyon at restoration ng mga public infrastructure suportado ng Kamara
SUPORTADO ng Kamara ang fund requirements sa national budget para sa rehabilitasyon at restoration ng mga public infrastructure sa mga probinsiyang apektado ng magnitude 7 na lindo sa Northern Luzon. Pahayag ito ni Speaker Martin Romualdez kasunod na rin sa pagbisita nina Pangulong Bongbong Marcos, Senadora Imee Marcos at iba pang mataas na […]
-
Mga pagkilala at suportang pinansyal, bumuhos sa mga bayaning tagapagligtas
BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon. Sa ngalan nina George E. Agustin […]