Kobe Paras lalaro sa Gilas
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
HANDA na umanong sumabak sa hard court si UP Fighting Maroons star Kobe Paras matapos nitong ipakita ang kanyang mga sneaker na gagamitin para sa laro.
Pinaparamdam umano ni Paras sa fans na “bubble ready” na ito matapos umugong ang balitang magiging bahagi ang 23- year-old basketball star ng Gilas Pilipinas pool na papasok sa bubble set up sa Inspire Sports Academy sa Calamba sa Nobyembre.
Makakasama ni Paras sa national team pool sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at magkapatid na Matt at Mike Nieto.
Isiniwalat ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay na clearance ang Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases para payagan ang Gilas na magbalik sa ensayo para sa pagsabak sa No- vember window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.
Pupunta ang Gilas sa susunod na buwan sa Bahrain upang sumagupa sa Group A kontra sa Korea, Thailand, at Indonesia para sa second window ng qualifiers.
Hawak ng Pilipinas ang 1-0 win-loss record sa pool matapos ang panalo kontra Indonesia sa Jakarta, 100-70 noong Pebrero.
-
TAX PAYMENT NG COMPUTER SHOPS SA NAVOTAS, PINAGPALIBAN
PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga rehistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021. Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis nang walang karagdagang bayarin […]
-
LTO bibili ng breath analyzers sa pagtugis sa mga lasing na driver
HANDANG bumili ang Land Transportation Office (LTO) ng dagdag na breath analyzers para sa kaligtasan ng lahat ng motorista sa bansa. Ang naturang breath analyzers ay para sa full implementation ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Sa pamamagitan ng naturang analyzers ay madalian nang madedetermina ang isang motorista na lango sa […]
-
PDu30 kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal
PINAGPAPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “somebody who drop the ball” kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer COVID-19 vaccine manufacturer na dapat sana ay Enero ng susunod na taon ay maidedeliver na ang bakuna. […]