KRISTOFFER, ibinahagi ang pinagdaanan ng pamilya dahil COVID-19
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
NAIKUWENTO ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang pinagdaanan ng kanyang pamilya dahil sa sakit na COVID-19.
Nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang ama, ina at kapatid na lalake. Magkasama silang tatlo na nag-quarantine at nagpagaling sa bahay nila sa Olongapo City, samantalang si Kristoffer ay nasa Manila at siya ang naging tagapagbili ng groceries, gamot at ilang pang essential items dahil bawal lumabas ang pamilya niya.
Thankful si Kristoffer na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang pamilya.
Heto ang pinost ng aktor via Instagram:
“Claiming it already, “MY THREE SURVIVORS”!
“Sinend sakin to ni Tan ngayon lang. Yes po. Nagpositive sa Covid buong family ko. AND IKA- 14th day nila bukas since nagpositive sila sa swab test. PAGALING na po sila. Malakas tayo talaga kay Lord.
“Ang lala ng prayers ko simula nung lumabas unang result kay mama tapos sumunod si Tan at dad. (Wala ako sa bahay namin sa Olongapo nung lumabas symptoms nila, nasa Manila ako that time and di na ulit umuwi nung nagsimulang lagnatin si mama).
“Iba yung bagsak ko nung naconfirm ko na nagpositive sila. Ang layo ko. Pero pinilit ko umuwi ng Gapo. Kasi kailangan nila ako. Pag bibili ng gamot, ng groceries, ng iba pang kailangan nila kasi bawal sila lumabas ng bahay. Lahat sila na nasa bahay, bawal.
“Natuto ako mag grocery mag- isa jusko. Skl. Everyday ako tumatawag sa kanila. Isa isa ko silang tinatawagan just to check. Lalo na si Dad diabetic. Iba yung trauma. Yung mga thoughts ko kung san san na napupunta. Mahirap. Kasi yung feeling na mag-isa kang dapat maging matapang kasi ikaw lang aasahan.
“Ang lakas ng prayers. SOBRANG LAKAS NG PRAYERS GUYS! At sobrang thankful ako ng sobra sa mga taong nandyan sakin. Konti lang nakakaalam pero ang lala ng pagmamahal na binuhos nila.
“Sayo Love, @acbanzooon na simula una ng laban na to kasama kita. I know your sacrifices dito sa pinagdaanan natin love. And super thankful ako sayo.
“@arjeder, na kumukop sakin ng ilang araw, na siya pa naghanap ng tutuluyan ko kasi sabi ko nahihiya na ko sa kanila. Di ako iniwan nito since day 1. Salamat pre.
“Kay @beabinene na everyday tumatawag just to check kung kamusta ako, kamusta sila mama.
“Kay @aldenrichards02 na pag di ko na talaga kinaya, yung sobrang breakdown, matic siya tinatawagan ko. Isa siya sa mga nagpakalma talaga sa sa mental state ko at lagi akong inaassure na gagaling sila mama.
“Sa mga solid kong mga bisita everyday para di ko daw maramdaman na mag-isa ako @renzpicache @iamnicoleslaw @jhayps.picache. Salamat ng marami. Salamat sa pag-isip din sakin. Salamat at di ko naramdaman mag-isa ako. Sa lahat ng kaibigan ko na nagdasal. Maraming salamat sa inyo. Sobrang laki ng bagay na kinakamusta niyo ko. Salamat.” (Ruel J. Mendoza)
-
Bulacan, ipinagdiwang ang gay pride, kinoronahan ang kauna-unahang La Baklakenya sa Singkaban Festival 2024
LUNGSOD NG MALOLOS – Bumida ang matitingkad na kulay ng LGBTQ+ communities nang parehong ipagdiwang ng Singkaban Festival ang pagiging inklusibo at pamanang kultural sa pamamagitan ng Bulacan Gay Pride 2024 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan. Dinaluhan ang gala night ng iba’t ibang LGBTQ+ federations na may mahigit […]
-
GABBY, nagtataka kung bakit hindi pa nagkaka-boyfriend si SANYA
NGAYON gabi na, March 15, ang world premiere ng inaabangang romantic-comedy series na First Yaya ng GMA Network na first time pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Gumaganap si Gabby bilang si President Glen Acosta, at si Sanya bilang si Yaya Melody. Malakihan ang produksyon dahil sa tema at sa iba’t ibang […]
-
Netizens, nilait-lait ang logo ng newest free TV network: WILLIE, pumirma na ng kontrata kaya tuloy na ang pag-ere ng AMBS 2
TULOY na tuloy at wala nang urungan ang operasyon ng Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar. Ang AMBS 2 ang newest free TV network sa bansa na ang frequency ay dating pag-aari ng ABS-CBN. At isa nga sa aaabangan ang pagbabalik ng […]