• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki, patay sa suntok sa Maynila

NASAWI  ang isang lalaki matapos umanong suntukin ng nagngangalit na hindi nakikilalang salarin sa Tondo,Maynila .

 

 

Naisugod pa sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktima na si  Alias Ding ,50 anyos, may tattoo sa kanang dibdib at sputnik logo sa kanang hita.

 

 

Nangyari ang insidente alas-12 ng madaling araw kamakalawa sa loob ng  RJ  Compound, CP Garcia St,sakop ng barangay 123, Tondo, Maynila.

 

 

Sa pahayag ni Jolito Del Rosario,  mahimbing na itong natutulog nang may marinig na sumisigaw sa labas at tinatawag  ang pangalang “Ding” habang galit ang tinig.

 

 

Nang kanyang silipin, nakita na lamang niya ang biktima na nakahandusay sa sahig  kaya agad itong humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay upang madala sa nasabing pagamutan ang biktima.

 

 

Isang nagngangalang Josephine Tonacao umano ang nagdala at nag-iwan sa biktima sa ospital.

 

 

Patuloy pang iniimbestigahan ng MPD-Homicide Section ang buong pangyayari at dahilan ng pagkamatay sa biktima na sinasabing sinuntok. GENE ADSUARA

Other News
  • PSC Badjao Children’s Games sa Tawi-Tawi

    MAY pagkakataong matuto at magsaya sa iba’t ibang tradisyonal na sports ang mga kabataan na kabilang sa Indigenous People partikular ang mga Badjao sa pagsasagawa sa sandaling ang coronavirus disease 2019 ng Philippine Sports Commission (PSC) Children’s Games.   Nagpasalamat na kaagad ang mga pinuno sa Mindanao State University-Tawi-Tawi sa nakatakdang plano sa proyektong  kinilala […]

  • PBA tumutulong sa UAAP, NCAA

    MATAPOS ang ilang kumperensiya sa bubble, kabisado na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pasikot-sikot sa isang bubble setup.     Kaya naman tumutulong ang PBA sa University of the Philippines Athletic Association (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pagbuo ng bubble upang matuloy ang planong pagbabalik-aksyon ng dalawang pamosong collegiate leagues sa […]

  • May ginawang movie sa Switzerland na panggulat: RK, inaming career muna ang priority nila ng karelasyon na si JANE

    EXCITED pero kabado at the same time si Gerald Santos sa napipinto niyang muling pagganap as Thuy sa Denmark production ng ‘Miss Saigon.’     Kailangan niya kasi mag-aral ng Danish language na mas mahirap kumpara sa German.     Panibagong challenge na naman ito for Gerald na excited na muling dalhin ang Pilipinas sa […]