• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Legal department ng PHILHEALTH, kailangang unahing linisin sa korapsyon -Sec. Roque

KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na kailangang unahing linisin ang Legal Department ng PHILHEALTH kung gustong masugpo ang korapsiyon sa ahensiya.

Ayon kay Roque, nasa nasabing departamento ang problema gayung batay sa binuong batas sa PHILHEALTH, hindi lang nagsisilbing investigator, piskal kundi executioner din ang legal department.

Aniya kung nais matakpan ang isang anomalya, magagawa ito sa nasabing departamento.

“Well, iyong sinusulong po natin iyong Universal Health Care sa 17th Congress, sinabayan din natin ng imbestigasyon sa mga korapsyon sa PhilHealth. At ang naging conclusion ko mismo ‘no bilang awtor ng Resolution, ang problema talaga sa PhilHealth ay nasa legal department,” ayob kay Sec. Roque.

“Kasi nga doon sa batas na bumuo ng PhilHealth, iyong legal department ang siyang investigator, a fiscal, huwes at saka executioner. At dalawang taon ang nakalipas, iyong GCG, iyong parang nagbabantay sa mga government-owned corporation, binigyan ng ‘zero’ na grado ang PhilHealth kasi doon sa dalawang taon na iyon, sa dami-daming mga kaso na dapat naaksyunan, ‘zero’ ang output ng legal department. So kung ikaw talaga ay magtatakip ng mga anomalya diyan, talagang ang—yayariin mo talaga, diyan sa legal department,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ni Sec. Roque na matagal na niyang sinabi kay PHILHEALTH President Ret Gen Ricardo Morales na dapat nitong malinis ang nasabing departamento lalo pa’t ito umano ang nagtataguyod ng accountability.

“At mula’t mula pa, bago pa si General Morales, sinabihan ko na siya na kinakailangan talaga linisin niya ang legal department na iyan dahil sila talaga iyong nagpo-promote ng accountability. At kapag hindi gumagana iyong legal department, wala talaga – puro korapsyon iyan!,” ayon kay Sec. Roque.

Sa kabilang dako, tinukoy naman ni Sec. Roque si PHILHEALTH Senior Vice President Jojo del Rosario bilang isa sa mga nasa legal department na naging dahilan para mabasura ang reklamo nuon sa Wellmed scam na nasangkot nuon sa ghost dialysis patients controversy.

“Opo, siya pa rin po. Siya po ngayon ang head diyan. Siya po ay Senior VP at siya rin po ang gumawa o nagpa-file ng complaint laban sa WellMed na na-dismiss ng regional trial court; at sa aking tingin, mali. Ito po si Atty. Jojo Del Rosario,” ayon kay Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PDu30, pinadalhan na ng imbitasyon para sa campaign rally ng pagsasanib ng PDP-Laban at UniTeam

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam.     Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag- uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.     Sa katunayan ani Andanar […]

  • Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

    ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.     Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level […]

  • Dahil happy naman kahit single: SAMANTHA, ‘di nagwi-wish na magkaroon ng lovelife

    BIRTHDAY ni Samantha Lopez kahapon, October 18, pero hindi kasali sa mga birthday wishes niya ang magkaroon ng lovelife.     Kahit single siya ngayon ay happy naman raw siya.     “You know, kung may darating, kung may ibibigay si God, then, yeah, why not? Pero okay na rin, masaya naman, busy.”     […]