• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games

AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.

 

“Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas na 5-4 at 30th Southeast Asian Games PH 2019 karate female +61 kilograms kumite gold medalist sa last trip para sa quadrennial sportsfest.

 

Sasailalim na ang anak ni Philippine Basketball Association (PBA) legeng Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training simula sa darating na January 4 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Nabatid naman kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) president Richard Lim, kailangang mag-top three finish o manalo ng gold, silver o bronze medal ang dalagang karateka sa pinakamalaking laban sa kanyang sport career para makapag-Tokyo Olympics. (REC)

Other News
  • Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

    PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.     Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.     Bago pa ang […]

  • Pinas, dapat maging handa sa gitna ng mga napaulat na external threats-PBBM

    DAPAT na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umiigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansiya ng Pilipinas sa Taiwan ang […]

  • CONTAINER VAN, GAGAWING ISOLATION FACILITIES SA NAVOTAS

    MINAMADALI na ng mga manggagawa ang pagsasa-ayos ng 30 40-footer container van na nasa loob ng Centennial Park sa Navotas City upang magsilbing karagdagang isolation facilities na ilalaan sa mga may mild cases ng COVID-19 sa lungsod.   Una na kasing iniulat ng City Health Deparment kay Mayor Toby Tiangco na puno na ang dalawa […]