• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Liquor ban inalis na sa Navotas

Inalis na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ipinatupad nitong liquor ban kaugnay ng magiging bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.

 

 

Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco, pinawalang-bisa na ang pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa lungsod simula Pebrero 1, 2021.

 

 

“Ito po ay ayon sa ating napag-usapan na tatanggalin natin ang liquor ban kapag manageable o hindi masyadong tataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod pagkatapos ng Kapaskuhan. Bagaman tumaas po nang bahagya ang ating mga kaso, kaya pa rin po natin itong makontrol,” ani Toby Tiangco.

 

 

Nanatili namang ipinagbabawal ang pag-inom ng anumang nakalalasing sa pampublikong lugar tulad ng daan, eskinita, liwasan, at labas ng tindahan na sumasakop sa pampublikong daan o bangketa alinsunod sa Municipal Ordinance 2002-06.

 

 

Sabi ng alkalde, ang mga lalabag sa patakarang ito ay bibigyan ng naaangkop na parusa.

 

 

Nagpasalamat si Mayor Tiangco sa lahat ng nakiisa sa panawagang na manatiling maingat at sumunod sa safety measures.

 

 

“Mahalaga po ang ating kooperasyon at pagsunod para masiguro ang kaligtasan ng bawat Navoteño,” ani Tiangco.

 

 

Nauna rito, pinayagan ng pamahalaang lungsod na buksan ang mga palengke at groceries tuwing Linggo kung saan lingguhan din silang nagsasagawa ng pangkalahatang paglilinis at pagdidisimpekta at sundin ang iba pang mga safety protocol. (Richard Mesa)

Other News
  • SHARON, binuweltahan ang mga bashers na nanglait at nandiri; proud bilang Carmela sa ‘Revirginized’

    PATULOY ngang pinag-uusapan ang ‘tequilla body shot’ scene nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao para sa Revirginized ng Viva Films na mapapanood ngayong Agosto sa Vivamx.     Noong isang araw lang, nag-trending ng almost six hours ang ‘Mega is Revirginized’ na umabot sa Top 9, kaya pinasalamatan ng Megastar ang kanyang mga Sharonians.   […]

  • Graduation rites, suspendihin na muna

    MAS makabubuti na isuspinde ng Department of Education (DepEd) ang graduation rites sa elementarya, sekondarya at senior high school upang maiwasang kumalat ang Coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Senador Sherwin “Win” Gatchalian.   Sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, na kailangan nang suspendihin ng DepEd ang graduation rites sa buong bansa […]

  • Kahit naunahan na ng ibang kasabayang sexy stars: JELA, naghihintay lang ng tamang project na babagay

    SABI ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee dumami raw ang mga imbitasyon sa kanya para maging commencement speaker since he was named National Artist.   Mas marami rin ang nakakakilala sa kanya. Kaya lang hindi siya sanay sa ganitong situation kasi napopokus ang atensiyon sa kanya.   Mas gusto […]