• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: May 35,515 na taxis at TNVS ang bumalik na sa operasyon

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may mahigit sa 35,000 na taxis at transport network vehicle service (TNVS) units na mag operate upang magbigay ng serbisyo sa mga commuters sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

 

May 18,514 na TNVS at 16,701 taxis ang pinayagan ng pumasada sa Metro Manila.

 

Habangang LTFRB naman ay pinaalalahanan at iginiit sa mga drivers at operators na sumunod sa mahigpit na health at safety protocols kung sila ay pumapasada lalo na kung may sakay na pasahero upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

“Safety precautions include the mandatory wearing of face masks and gloves, disinfection of vehicles and putting up barriers between the driver and the passenger,” ayonsa LTFRB.  Kasama rin ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras ng mga pasahero.

 

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga TNVS at taxi drivers na magpatupad ng itinakdang seating capacity ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emergency Infectious Diseases (IATF) sa kanilang mga units.

 

Wala namang inaasahan na pagtaas ng pamasahe sa taxis at TNVS. Cashless transactions lamang ang pinapayagan pamamaraan ng pagbabayad ng pamasahe sa taxi at TNVS upang maiwasan din ang pagkalat ng COVID-19.

 

Samantala, pinayahag din ng LTFRB na bubuksan nila ang 31 bus routes sa June 19 habang ang public transportation ay nananatiling limitado pa rin dahil sa COVID-19.

 

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgrana may nauna ng 15 bus routes ang nabuksan at maliban dito ang LTFRB din ay naghahanda na rin na muling buksan ang mga routes para sa provincial buses kapag muling nagsimula na ang lahat ng public transportation sa Metro Manila.

 

Para sa Phase 1, mula June 1 hanggang 21, ang Department of Transportation (DOTr) ay pinayagan ng mag operate ang trains, bus augmentation services, taxis, transport network vehicle services, shuttle services, P2P buses, at bicycles ngunit sa limitadong capacity lamang.

 

Pinayagan na rin ang mga tricycles na pumasada bago pa man ang Phase 1 subalit kailangan may approval ng mga local government units.

 

“For preparations for provincial buses, we are looking at integrated terminal exchange like the PITX, which is already open to become a terminal for all provincial buses,” dagdag ni Delgra. (LASACMAR)

Other News
  • Brendan Fraser Gives His Take On ‘The Mummy Returns’ Character The Scorpion King’s CGI Appearance

    A Mummy movie uniting Brendan Fraser and Dwayne Johnson could offer some salvation for the latter’s anti-hero the Scorpion King.   Johnson was best known as a wrestler when he made his film debut as the Scorpion King in 2001’s The Mummy Returns. In reality, the role was fairly brief, with Johnson appearing in the […]

  • Mahigit 73 million Filipino, fully vaccinated na kontra COVID-19 – DOH

    NASA  mahigit 73 million Pilipino na ang fully-vaccinated kontra Covid-19 ayon sa Department of Health (DOH).     Sa datos noong Enero 8, 2023, nasa 6.9 million senior citizens ang bakunado na, 10 million sa mga kabataan at 5.4 million naman sa mga bata na edad 5 hanggang 11 anyos.     Iniulat din ng […]

  • Nagpapasalamat sa mga Pinoy na tumulong sa kanila… HERLENE, bumalik ang sakit na alopecia dahil sa matinding stress sa nangyari sa Uganda

    MARAMING netizens ang natuwa nang ipakilala na ng ‘The Voice Kids Philippines’ Season One winner na si Lyca Gairanod ang kanyang boyfriend sa social media.   Kaka-turn 18 lang ni Lyca noong nakaraang November 21 at puwede na nga niyang ipakilala sa publiko ang kanyang boyfriend na si Kyle Walle na naging boyfriend niya noong […]