• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license

Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon.

 

 

 

Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang mabigyan ng solusyon ang problema sa tumataas na backlog. Nakatuon ang memorandum sa mga regional directors, division chiefs, district offices at lahat ng opisyal at empleyado ng LTO.

 

 

 

“All backlogs shall be completely addressed not later than Jan. 15, 2023,” wika ni Tugade. Ang memorandum ay nilagdaan ni Tugade noong Dec. 9.

 

 

 

Ayon sa report, ang backlog sa drivers’ licenses ay umaabot sa 92,000 cards simula nitong December. Ang backlog ay dahil sa kakulangan ng mga functional laser engravers at sa ginagawang repairs ng mga sirang units sa mga licensing centers sa buong bansa.

 

 

 

Nakalagay sa guidelines na ang mga motorista ay dapat dalahin sa pinakamalapit at accessible na LTO office kung saan may gumaganang machine. “LTO clients may also opt to undergo the end-to-end process, which includes capturing biometrics but without the issuance of the driver’s license card on the same day,” saad ni Tugade.

 

 

 

Bibigyan naman ang mga motorista ng printed official receipt na valid hanggang 30 araw. Habang ang mga LTO office naman ay makikipag coordinate sa ibang centers upang masiguro na ang driver’s license ay magagawa ng hanggang isang linggo.

 

 

 

Dagdag pa ni Tugade na hinihintay nila ang kanilang mga biniling spare parts ng mga laser printers na nasira dahil sa sensitivity at dahil na rin sa katagalan at sobrang gamit ng machines.  LASACMAR

Other News
  • 25 NBA players at 10 staff nagpositibo sa COVID-19

    Pumalo na sa 25 NBA players ang nagpositibo ng COVID-19 mula ng magsimula ang malawakang testing noong nakaraang linggo.   Ito mismo ang ibinunyag ng NBA at National Basketball Players Association kung saan mula noong Hunyo 23 ay nasa 351 na mga manlalaro ang kanilang sinuri.   Siyam ang nagpositibo dito ng COVID-19 mula sa […]

  • Mga patakaran sa AKAP, halos tapos na -DSWD

    HALOS tapos na ang binabalangkas na mga patakaran para sa kontrobersiyal na cash assistance program na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (Akap). Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na layunin ng panukalang mga patakaran o alituntunin ay ang tiyakin ang ‘eligibility’ ng mga indibiduwal bago maging kuwalipikado bilang benepisaryo sa ilalim ng […]

  • Malakanyang, todo-depensa

    Todo-depensa ang Malakanyang sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga mambabatas na amiyendahan ang anti-terrorism law ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang ‘draconian provisions’ ang nakapaloob sa Human Security Act of 2007.     “Wala naman pong draconian na provision diyan. Lahat po ng provision diyan binase rin […]