Mabilog ibinunyag planong akusahan sina Roxas, Drilon na sangkot sa illegal drugs sa Duterte admin
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog sa House Quad Committee ang planong akusahan na sangkot sa iligal na droga sina dating senators Mar Roxas at Franklin Drilon nuong panahon ng Duterte administration.
Matapos ang pitong taon na self-imposed exile sa Amerika, tumestigo kaugnay sa kaniyang kinaharap na political pressure matapos mapa bilang sa narco list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinanong kasi ni Rep. Joseph Stephen Paduano si Mabilog kung maari nitong tukuyin ang mga opisyal na pinapasangkot sa iligal na droga.
Sinagot ni Mabilog na ito ay sina Roxas at Drilon.
Naniniwala naman si Mabilog na pulitika ang dahilan kung bakit siya napabilang sa narco list o hit list.
Mariing itinanggi ni Mabiloh na sangkot siya sa illegal drug trade at kailanman hindi siya protektor ng illegal drugs. (Daris Jose)
-
Tulong Puso Group Livelihood Program, inilunsad ng OWWA
INILUNSAD ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Tulong Puso Group Livelihood Program para matulungang makapagsimulang muli ang mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid- 19 pandemic. Sa Laging Handa Public Press Briefing sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ang nasabing programa ay magkakaloob ng P150,000 – P1 million […]
-
Panukalang P5.3-T budget gagamitin para pabilisin ang e-governance- DBM
GAGAMITIN ang panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023 para sa transformation at digitalization ng government processes, records, at databases sa pamamagitan ng e-governance. Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang ang mga Ito sa “top priorities” sa ilalim ng administrasyong Marcos. “Through digital transformation, our bureaucracy can improve the […]
-
Mga hagdan sa Manila North Cemetery, pinagkukumpiska
Pinagkukumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga hagdan na ginagamit na pasukan sa ‘backdoor’ ng Manila North Cemetery (MNC) makaraang ipag-utos ang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas. Unang nakipag-ugnayan si MNC Administrator Yayay Castaneda sa Sta. Cruz Police Station 3 makaraan ang ulat na […]