Mag-ingat sa donation scams
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
Pinag-iingat ni House Transportation Committee Chair and Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang publiko laban sa mga manloloko o con syndicates gamit ang nakaka-awang sitwasyon ng mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Ang babala ay ginawa ni Sarmiento matapos mabunyag na may isang grupo na gumagamit sa kanyang opisina para manghingi ng pera sa mga kaanak, kaibigan, supporters at businessmen mula sa transport industry upang makakalap ng pondo na ipangtutulong sa mga nasalanta ng bagyo.
“The office of one of our colleagues called to verify if I’m seeking assistance in the form of cash donation for the victims of the calamity. Please be informed that there is no such activity or any donation drive,” ani Sarmiento.
Ayon pa sa mambabatas, sinasamantala ng mga sindikato ang sitwasyon ng libong pamilya sa Marikina, Rizal, Cagayan Valley at Bicol region na matinding naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo na tumama sa bansa nitong nakalipas na dalawang buwan.
Ginagamit din aniya ng mga nasabing con artists ang pangalan ng ilang pulitiko, showbiz personalities at prominent personalities sa business sector para tumaas ang tiyansa ng mga ito na makakuha ng mas malaking halaga.
May mga ulat din umano na nagbuo ng Social Media pages at Go Fund Me sites para sa mga biktima ang con artists gamit ang pangalan ng pulitiko at iba pang kilalang personalidad.
“While we are appealing for help for tens of thousands of families who lost their homes, properties and the lives of their loved ones, we should make sure that our donations do not end up in the hands of these unscrupulous syndicates who are preying on the misfortunes of other people,” pahayag ni Sarmiento.
Nanawagan din ito sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na maglunsad ng crackdown laban sa mga scammers na namamalantala sa mga biktima ng bagyo. (ARA ROMERO)
-
‘Parang Kayo, Pero Hindi’, Vivamax’s First Original Series
VIVAMAX, the country’s one-stop entertainment hub for every Filipino, is starting 2021 with a bang as it presents its first Vivamax Original Series, PARANG KAYO PERO HINDI, starring Marco Gumabao, Kylie Verzosa and Xian Lim. It is directed by RC Delos Reyes, director of Love the Way U Lie and Alter Me. […]
-
Ads March 19, 2021
-
AIR POLLUTION
MISTULANG COVID-19 ang air pollution sa bansa sapagkat 27,000 katao ang pinapatay bawat taon, sa pag-aaral ng Greenpeace Southeast Asia at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa mga sasakyan gamit ang gasolina at krudo at maging ang mga sinusunog na coal ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga […]