• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag live-in partner kulong sa P10.2 milyong shabu

Nasamsam sa isang mag live-in partner na hinihinalang big-time drug pushers ang nasa P10.2 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ernesto Francisco alyas “Ikong”, 49 at Genelyn Mararac, 33, kapwa (wacth listed).

 

Pinuri naman ni NCRPO chief P/BGen Vicente Danao Jr. ang Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Col Ortega dahil sa matagumpay na drug operation.

 

“Keep it up! There will be rewards and awards for those deserving personnel. Magtrabaho tayo ng tapat, may tapang, at malasakit. Huwag kalimutan ang ibayong pag-iingat sa pagseserbisyo,” pahayag niya.

 

Sa report ni Col. Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa bahay ng mga suspek sa No. 4039 F. Bautista St. Ugong.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ni PCpl Kenneth Marcos na nagpanggap na buyer ng isang knot tied plastic ice bag ng shabu na nagkakahalaga sa P35,000.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer ay agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.

 

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 1.5 kilo grams ng shabu na tinatayang nasa P10,200,000.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at 34 piraso boodle money, P15,000 cash, digital weighing scale, 3 cellphones, 3 wrist watch, 1 pares ng gold earrings at 2 gold necklace. (Richard Mesa)

Other News
  • Balik-sitcom at gaganap na ina nina Kelvin, Shaun at Abdul: RUFA MAE, pinayagan ng asawa na mag-stay para matutong mag-Tagalog ang kanilang anak

    ANG saya-saya ng mediacon sa Novotel, Cubao, Quezon City, na ipinag-imbita ng GTV para sa first sitcom nila na ‘TOLS’ na pinangungunahan ni actress-comedienne Rufa Mae Quinto.     Yes, back na muna for the meantime si Rufa Mae sa bansa, dahil nami-miss na rin niya ang pag-arte. Sa pagbalik nila ng anak na si […]

  • Task Force PhilHealth, kailangang maging maingat sa imbestigasyon

    KAILANGANG maging maingat ng Task Force PhilHealth sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa uma­no’y overpriced purchase ng IT system na umabot ng P2 billion.   Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangan na mayroong matibay na  ebidensya at hindi lamang testimonya dahil medaling magsalita.   Kailangan aniya ay  “backed up by documents, paper trail.”   “Alam mo, […]

  • DENNIS, umaasa na matutuloy pa ang naudlot na project nila ni JOHN LLOYD; ANDREA, fan ng magaling na aktor

    MATAGAL na palang gusto ni Kapuso actress Andrea Torres makatrabaho si Dennis Trillo, at inamin niyang fan siya ng Kapuso Dramatic Actor.      Kaya ang saya-saya niya nang i-offer sa kanya ang isa sa tatlong mapapangasawa ni Dennis sa first GMA Cultural Drama series na Legal Wives.     Pero hindi raw biro ang […]