Mahigit 27,000 barangay, nalinis na mula sa illegal na droga- Malakanyang
- Published on January 5, 2024
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 27,968 barangay ang nalinis na mula sa illegal na droga.
Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 billion na halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hang gang Disyembre ng nakaraang taon.
“That’s on top of 50 provinces, 1,160 municipalities, and 30 cities already have functional Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) already implementing anti-drug priorities at the local level,” ayon sa Malakanyang.
Idagdag pa rito, mayroong 74 established in-patient treatment at rehabilitation facilities ang nakatulong para tugunan ng drug menace.
Sinasabi pa rin na may 23 lalawigan, 447 munisipalidad, at 43 lungsod ang nagtatag ng kani-kanilang community-based drug rehabilitation programs (CBDRPs) para mas lalo pang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Matatandaang, matagal nang itinutulak ni Pangulong Marcos ang ‘whole-of-nation approach’ sa pagharap sa drug abuse, nagpapahiwatig na maaaring itong mauwi sa chronic illness at social issues kung maiiwan na hindi natutugunan at naaalis.
Aniya, ang approach ay dapat na kinabibilangan ng “prevention, treatment, rehabilitation, at law enforcement” upang matiyak na maipatutupad ang Philippine Anti-Illegal Drug Strategy.
Matatandaang sinabi ng Punong Ehekutibo na itutuon ng administrasyon ang pansin nito sa rehabilitasyon para masawata ang drug menace, ibang atake ito mula sa ‘bloody war’ ng kanyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paglaban sa illegal na droga.
Winika pa ng Pangulo na ang paglansag sa drug syndicates ay kailangan para matugunan ang problema.
“Under the Marcos administration, the Dangerous Drugs Board would continue to implement the Barangay Drug Clearing Program (BDCP), with the goal of attaining 100 percent drug-free or drug-cleared barangays by 2028,” ayon sa PCO. (Daris Jose)
-
Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA
Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ravena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars. Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa aberyang naidulot ng biglaang announcement ng paglalaro nito sa Shiga. “I apologize […]
-
Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin
Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa kanilang mga konsyumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kuryente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin. Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan […]
-
Teaser ng ‘Gameboys 2’ nina KOKOY at ELIJAH, nagpakilig nang husto sa netizens na bawing-bawi ang paghihintay
KlLIG to the highest level ang hatid ng teaser ng season 2 ng Gameboys starring Kokoy de Santos at Elijah Canlas. As of this writing ay may 301,000 views na ang official trailer ng Season 2 ng Gameboys na matagal nang inaabangan ng mga followers ng ground-breaking BL series. Judging from […]