• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang anak laban sa tigdas

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas dahil sa posibilidad na maharap ang bansa sa panganib ng pagkakaroon ng outbreak nito sa 2021.

Pinawi naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang takot ng mga magulang sa pagsasabing napatunayang ligtas ang bakuna sa tigdas para sa mga kabataan.

 

“Ang mensahe po ng Presidente mga magulang, huwag po natin katakutan ang bakuna. Itong bakuna naman po sa measles, isa na sa mga pinakaluma, pinakamaagang ginagamit na natin,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Bakit pa po natin i-eexpose sa aberya ang mga minamahal natin sa buhay na mga tsikiting? E samantalang meron naman po tayong tried and proven na bakuna laban dyan,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, hinikayat ng isang eksperto ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas sa harap naman ng naunang babala ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaraoon ng measles outbreak sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Dr. Cynthia Cuayo- Huico na hindi dinadala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga health centers at mga ospital dahil na rin sa takot na mahawa ng coronavirus disease.

 

“Takot na takot kami kasi nga baka magkaroon na naman tayo ng epidemic ng measles kasi ang measles sasabihin nila tigdas lang yan pero kasi [may mga] complication [tulad ng] pneumonia, LBM, (lower bowel movement), encephalitis,” sabi ni Cuayo- Huico sa isang panayam.

 

Idinagdag ni Cuayo-Huico na dapat ikabahala ang pagtaas ng mga kaso ng tigdas na posibleng maging dahilan para mapuno ang mga ospital dahil sa komplikasyon dulot nito.

 

Lantad ang mga batang edad dalawa pababa sa impeksyon dahil na rin sa mababang immune system.

 

Tiniyak naman ni Cuayo-Huico na maaari pang habulin ng mga magulang ang bakunang hindi naibigay sa kanilang mga anak.

 

“Oo pwede yan habulin… hanggang mga four years old pwede yan habulin pero napakalate na nun,” ang pahayag nito.

 

Nitong Miyerkules, inihayag ng DOH ang supplemental immunization program para sa measles, polio, at rubella simula Oktubre 26.

 

Kabilang sa mga unang target ng programa ang mga lugar sa Mindaanao, Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan, Bicol at MIMAROPA.

 

Nakatakda namang ipatupad ang ikalawang bahagi ng immunization program simula Pebrero sa susunod na taon sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, at CALABARZON. (Daris Jose)

 

Other News
  • Tulak kalaboso sa P1 milyon shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng umaga.           Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jessie Zozobradon alyas “Jess”, 32, […]

  • National bowler, handa na para sa ‘new normal’ na paglalaro

    Sinang-ayunan ng ilang mga national bowlers ang ipapatupad na mga pagbabago kapag nasimulan na muli ang mga laro ng bowling sa bansa.   Sinabi ni Philippine Bowling Federation secretary-general Olivia “Bong” Coo, na mayroon na silang ginawang mga panuntunan para sa “new normal” na pamamaraan ng paglalaro.   Bagamat aminado ito na mahirap ang maglaro […]

  • PRC, nanawagan sa publiko na maging vigilante laban sa mpox

    NANANAWAGAN si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Richard “Dick” Gordon sa publiko na maging vigilante laban sa mpox, kasunod na rin ng ginawang kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng bagong kaso ng sakit sa bansa nitong Agosto 18 lamang.           “With the lessons learned from […]