Malaking sunog naitala sa New York matapos ang pagbangga ng oil tanker sa gusali
- Published on February 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAGDULOT ng malawakang sunog ang pagbangga ng oil tanker sa isang gusali sa Long Island, New York.
May laman na 9,200 gallons ng gasolina ang truck ng mawalan ng control ang driver at ito ay bumangga sa Rockville Center.
Bumaligtad ang truck bago bumangga sa bakanteng establishemento.
Umabot pa sa 10 oras bago tuluyang maapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog.
Nakarinig ng mahigit limang pagsabog ang mga nakasaksi sa insidente kung saan hindi bababa sa 10 katao ang nasugatan na agad namang dinala ang mga ito sa pagamutan.
Nawalan ng suplay ng kuryente ang mga residente sa lugar dahil sa nangyaring malaking sunog.
-
Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa. Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, […]
-
Skilled workers, hinikayat na mag-apply para sa CSC eligibility
HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga skilled workers na mag- apply para sa eligibility para maging kuwalipikado sa ilang posisyon sa gobyerno. Sinabi ng CSC, ang mga karpintero, mga tubero at mga electrician, bukod sa iba pa ay maaaring mabigyan ng pagiging kwalipikado sa skills eligibility Category II nang hindi kumukuha […]
-
P400K bulto ng pera, kumpiskado sa pasaherong Pinay sa NAIA
INARESTO ng Bureau of Customs-Port NAIA ang isang pasaherong Pinay na tangkang maglabas sa bansa ng P400,000 na walang kaukulang permiso o otorisasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Nilabag ng pasahero ang Manual on Cross Border Local Foreign Exchange Transaction sa ilalim ng circular no.922 series of 2016. Hindi naman pinangalanan […]