Manila Water, public at private sector kapit-bisig sa pagdiriwang sa Earth Day
- Published on April 24, 2023
- by @peoplesbalita
MAGKASAMANG ipinagdiwang ng Manila Water at mga partners sa public at private sectors ang Earth Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng hike at bike para sa kalikasan.
Ang Earth Day na ipinagdiriwang tuwing April 22 ng bawat taon, ang Manila Water kasama ang kanilang partners ay nagsama sama ulit sa La Mesa Nature Reserve sa Quezon City para sa ikalawang taong pagsasagawa ng Lakbay Kalikasan: Hike and Bike for Nature.
May 120 participants ang nakiisa sa aktibidad na nagmula sa government at private sectors, hiking at biking enthusiasts gayundin ang publiko na nakiisa sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan ng pag-adopt at pagmamantine ng mga puno sa loob ng La Mesa Nature Reserve.
Tampok sa hiking activity ang 4.5 hanggang 6-kilometer trail sa biodiversity sa loob ng La Mesa Nature Reserve habang ang biking activity ng mga cyclists ay sa scenic 9-kilometer trail ng watershed area.
Ang aktibidad ay bahagi ng hakbang ng Manila Water para sa pagpapanatili ng kanilang operasyon. Layunin ng Manila Water na maibsan ang environmental degradation sa pamamagitan ng pangangalaga sa likas na yaman at pangangalaga sa watershed areas at responsableng paglilinis ng raw water at wastewater at iba pa.
Dahil sa maayos na paggamit ng natural resources at materyales, ang Manila Water ay nanatiling may lowest average NRW levels sa lahat ng mga bansa sa Asya na may rate na 12.69% noong 022. Ang kumpanya ay naka recover ng 1.083 million cubic meters (mcm) backwash sa pamamagitan ng Water Efficiency Program. (Daris Jose)
-
P540B bagong utang ng gobyerno aprub sa BSP
INAPRUBAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panibagong utang ng gobyerno na nagkakahalaga ng P540 bilyon para mapunan ang pangangailangan bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic. Ayon kay BSP Governor Ben- jamin Diokno, ngayong Huwebes lang inaprubahan BSP ang kahilingang P540 bilyon para sa panibagong tranche ng provisional advances ng pamahalaan. Ipinaliwanag […]
-
Standing ng Pilipinas ukol sa estado ng pagtugon nito sa COVID-19, patuloy na gumaganda ayon sa WHO
IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya. Base sa ipinresentang datos ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ika- 32 na ang Pilipinas mula sa pagiging ika- […]
-
Kalahating milyong COVID-19 vaccines ng Sinovac dumating sa NAIA
Lumapag na sa Pilipinas ang panibagong batch ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) galing sa bansang Tsina. Ang 500,000 doses ng CoronaVac, na gawa ng Chinese company na Sinovac, ay sinasabing dumating kahapon,Huwebes, 7:37 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isa si Health Secretary Francisco Duque III sa mga […]