• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Martes athletics coach na

HINDI na nalalayong maging full-time track and field o running coach sa hinaharap si women’s marathon queen Christabel Abenoja Martes ng Baguio City.

 

Napabilang ang 7th Pattaya Asian Marathon Championships 2000 sil- ver medalist sa 12 pumasa buhat sa 24 na lumahok sa makasaysayang 14 na araw na World Athletics (WA) Coaches Education Learning System (CELS) Level 1 Philippine Edition nito lang Disyembre.

 

Ikalawa pa lang ang full online coaching course na ito ginanap sa mundo at una sa Area Development Center sa Southeast Asia at South Asia. Puwede na ang mga passer na mag-Level 2.

 

Nagsilbing lecturers sina Anbarasu Subramaniam ng Sabaj Athletics Association, Maria Jeanette Obiena ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at dating national coach Joseph Sy sa pag-asiste ni IT Tyne Artiaga-Pantangco ng PATAFA rin.

 

Kabilang sa running achievement pa ni Martes, 41, tubong La Trinidad pero sa Baguio na residente, ang pagiging two-time Sutheast Asian Games champion at five-time National MILO Marathon queen.

 

Kausap siya ng OD nitong isang araw lang at balak niyang kumuha ng Level 2 coaching course. At inaming niyang maaring paghahanda niya ito sa coaching job.

 

Siya ay single parent na may isang anak at naging kontrobersya rin sa may ilang taong pagiging miyembro ng national track and field team.

 

Matikas sa kalsada o arangkadahan, hindi malayong maisalin din ni Martes ang bilis at galing niya sa mapapasailalim sa kanyang atleta o koponan.

 

Good luck kasamang marathoner.

Other News
  • Espiritu 4 Fil-Am sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021

    ISA sa mga inaasahang patok sa nakatakdang Virtual 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa Marso 14 ay si Troy Rike at ang tatlo pang kapwa niya Filipino-American.     Ito ang ipinahayag kamakalawa PBA players agent Marvin Espiritu, hinirit na bukod sa 6-foot-8 cager na produkto ng Wake Forest  University sa USA at […]

  • Janella, walang dudang ‘preggy’ ayon sa netizens

    NITONG Martes ng hapon ay nag-Kumu sina at Markus Paterson at Janella Salvador na kaagad nag-trending dahil napansin ng mga nakapanood ang malaking pagbabago sa mukha at batok ng aktres na isa sa palantadaan daw ng pabubuntis.   “Will see you guys maybe in 7 weeks,” ito ang huling pahayag ni Markus sa Kumu livestream […]

  • Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI

    MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.   Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor.   “They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas […]