Mas maraming investments sa Pinas, tinitingnan ng Japan
- Published on October 26, 2023
- by @peoplesbalita
INTERESADO ang Japanese corporations na palakasin ang partnership nito sa Pilipinas.
Layon nito na isulong ang “high-level” economic growth para maging investment destination.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Japanese Chamber of Commerce and Industry (JCCI) chair Ken Kobayashi na ang “stable and high-level economic growth” ng Pilipinas sa nakalipas na taon ay nakapukaw ng atensyon at interest ng mga Japanese investors para i-develop ang kanilang operasyon sa bansa, inaasahan na tataas ang bilang ng mga manggagawa at domestic demand.
“In the Socioeconomic 8-Point Agenda that you have announced, Mr. President, prioritizes social security and the development of human capital. Also, it establishes the investment promotion, strengthening of digital infrastructure, the promotion of green economy, and so forth, through which you are aiming at expanding and creating jobs. And it is expected that in these fields that we can see the further promotion of the cooperation between our two countries,” ang sinabi ni Kobayashi sa ginawang courtesy call ng JCCI kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.
Aniya, nagdesisyon ang JCCI na bumisita muna sa Pilipinas matapos magpadala ng economic missions sa foreign countries simula pa noong COVID-19 pandemic.
Ang misyon na ito ay binubuo ng 70 miyembro, kumakatawan sa top management ng Japanese corporate world.
Ani Kobayashi ang JCCI ay itinuturing na “largest business organization” sa Japan, mayroon itong 1.25 million na kompanya mula sa malalaking korporasyon hanggang sa small- and medium-sized enterprises. Mayroon din ang chamber ng 515 local chambers sa iba’t ibang lugar sa Japan.
Bilang tugon, sinabi naman ni Pangulong Marcos na kinikilala niya ang patuloy na pagtulong ng Japan sa Pilipinas pagdating sa infrastructure development.
Aniya, ang bansa ay nahaharap sa bagong ekonomiya kung saan dapat lamang na mayroong mahalagang papel ang bagong teknolohiya sa transpormasyon ng global economy.
Maliban na isulong ang “infrastructure development, renewable energy, digitalization at telecommunications”, sinabi ng Pangulo na prayoridad ng Pilipinas ang agrikultura at climate change adaptation.
“There is the overbearing issue of climate change. This is something that we really did not have to deal with in the past. But it is something that is here and present and we feel the effects of the climate change, especially here in the Philippines already,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Also, we have put great priority on the development of our agricultural sector. And again, we had some very interesting discussions with our Japanese counterparts concerning the areas of agriculture. And that is something that I think that we can – we need to develop and to continue. Again, the subject of climate change becomes part of that discussion as agriculture is very much affected by the effects of climate change,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
-
PSA target ang 5-M para sa national ID system
Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng limang milyon mga mahihirap na pamilya para sa huling quarter ng taon para sa implementasyon ng national ID system. Sinabi ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, na prioridad nila ang mga mahihirap na pamilya para matugunan ang problema ng mga ito ng […]
-
Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP
PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday. Ito ang paalala ni Philippine National Police chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon. Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto […]
-
Contract packages ng Metro Manila subway nilagdaan
SINAKSIHAN ni President Ferdinand E. Marcos ang paglagda sa contract packages para sa pagtatayo ng Metro subway na siyang magiging isang solusyon sa nararanasang traffic ng mga mamayan sa Metro Manila. Sinabi President Marcos na ito na ang pagkakataon upang ang mga pamilya ay magkaron ng quality time dahil sa mababawasan na […]