MAVY, dream come true na makapareha ang ‘kaibigan’ na si KYLINE
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
DREAM come true para kay Mavy Legaspi ang makapareha si Kyline Alcantara sa very first Kapuso teleserye niya na I Left My Heart In Sorsogon.
“Nabanggit ko nga in my past interviews na si Kyline talaga ‘yung gusto kong makasama sa isang serye, sa first serye ko ever ’cause of the relationship that we have, the friendship that we have that already exists.
“So I’m just very happy and excited na siya ‘yung magiging partner ko rito sa show,” sey ni Mavy sa story conference ng teleserye na pagbibidan nina Heart Evangelista at Richard Yap.
Tulad ni Mavy, happy and excited din si Kyline na makatrabaho ang friend niyang si Mavy.
“Ako, I’m very, very happy kasi siyempre, kumbaga may foundation na kami, we’re friends na talaga ever since. So sabi ko nga doon sa past interviews ko, there’s no need for ice breaker kasi wala ng ice kasi sobrang comfortable na namin sa isa’t isa. “Sa sobrang close namin, there was this one time that I became really vulnerable with him, as in to the highest level. So I’m just excited and I’m excited to see din naman his progress with his craft, and kung paano niya i-e-execute ‘yung pinakita sa story con.”
Bukod sa sisimulang teleserye, host si Mavy sa comedy-gag-variety show ng GTV na FLEX kunsaan kasama niya sina Lexi Gonzales, Joaquin Domagoso, at Althea Ablan.
***
NAPAG-USAPAN sa paglabas ni Bea Alonzo sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay ang kanyang ama na iniwan sila ng kanyang ina noong 4-years old pa lang siya.
Phylbert Angellie Ranollo Fagestrom ang tunay na pangalan ni Bea at British ang kanyang biological father.
Nakilala ang show ni Jessica Soho sa paghanap ng mga family members na nawalay sa isa’t isa.
Tinanong si Bea kung nais ba niyang mahanap ang kanyang biological father?
Natawang sagot ni Bea: “Naku ‘wag na po nating hanapin ang tatay ko kawawa naman yung nanay ko. It was a very painful past. Growing up, hindi ko na-feel na meron pagkukulang kasi my mom is both my dad and my mom.”
Maganda naman daw ang lagay ng kanyang ina sa piling ng kanyang stepfather. 17 years na raw silang magkasama. Tinuturing na isang blessing daw sa buhay nilang mag-ina ang pagdating ng kanyang stepfather.
Ayon kay Bea: “Siya yung parang naging glue, naging dahilan kung bakit kami naging ganitong ka-close. Sometimes gusto mo parang ’yun bang traditional family, ’di ba? But sometimes, there are also blended families and sometimes, it just works. You just have to be happy about it.”
Binalikan din ni Bea ang struggling years niya noong nagsimula siyang mag-artista tulad nang paghiram niya ng damit sa kanilang kapitbahay para may magamit siya sa taping.
Naranasan din daw ni Bea ang makisabay sa sasakyan ng ibang tao dahil wala siyang sariling kotse at wala raw siyang kasama noon kaya nasanay siyang bitbitin ang mga gamit niya tuwing may taping at shooting siya.
***
SA wakas ay kinasal na sina Gwen Stefani at Blake Shelton.
Naganap ang intimate wedding ng The Voice coaches noong nakaraang Fourth of July holiday sa estate ni Blake sa Tishomingo, Oklahoma.
Bago ang wedding, nagpagawa si Blake ng maliit na church noong nakaraang taon sa kanyang ranch at doon niya pakakasalan si Gwen.
Suot ni Gwen ay isang strapless custom-made lily white wedding gown na gawa ng designer na si Vera Wang. May chapel-length veil ito na may hand-embroidered names na “Gwen” and “Blake” kasama ang pangalan ng mga anak ni Gwen na sina Kingston (15), Zuma (12) and Apollo (7).
May higit na 40 guest sa wedding ng dalawa at ang The Voice host na si Carson Daly ang naging wedding officiant nila.
Unang nag-meet sa The Voice noong 2015 sina Gwen at Blake. Kaka-divorce lang ni Gwen noon sa husband niya of 13 years na si Gavin Rossdale at divorced din that time si Blake sa country singer wife na si Miranda Lambert.
Nag-date exclusively ang dalawa for five years hanggang sa nag-propose si Blake kay Gwen noong October 2020.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Obispo, nababahala sa pagpasok ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas
Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, nababahala sa pagpasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates […]
-
Ilang hospitals sa MM, treatment facilities naghahanda na sa COVID-19 ‘case surge’
Handa na ang mga ospital at treatment facilities sa bansa sa harap ng inaasahang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng mga aktibidad ngayong panahon ng kapaskuhan. Sa ngayon mababa pa rin ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa ilang ospital sa Metro Manila. Ang Philippine General Hospital […]
-
Sa IG post para sa kaarawaan ni Billy… Netizens nag-react sa hitsura ni COLEEN at may nanghinayang sa kanyang career
NAG-POST sa Instagram si Coleen Garcia ng kanyang heartfelt message para sa birthday ng hubby na si Billy Crawford, kasama nito ang series of photos na kung saan makikita ang kanilang anak at daddy ng actor/singer/tv host. Panimula ng caption ni Coleen, “I’m a day late (grinning face with sweat emoji) but happy birthday […]