MAX, tiyak na makaka-relate sa bagong teleserye sa pinagdaraanan nila ni PANCHO
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
SA Bataan ang lock-in taping ng bagong sinisimulang serye ng GMA-7, ang To Have and To Hold.
Nakakausap namin ang isa sa mga bida ng serye na si Max Collins at ayon dito, mga hanggang third week of June pa pala sila naka-lock-in.
Dahil sobrang higpit ng safety protocols, gusto sana naming dumalaw at nakaka-miss na talaga ang mag-set-visit at mag-interview na hindi naman online kung hindi tulad ng dati na face-to-face. Pero hindi na kami nag-attempt na magpaalam dahil malamang, imposible.
Unfair rin siyempre sa lahat ng kasama sa lock-in na bago mag-lock-in taping, seven days na naka-quarantine sa hotel at nag-undergo ng PCR test.
Pero maganda sa location nila at isa ito sa spot sa Bataan na masasabing malamig kahit na summer. Bukod pa sa nasa resort sila kaya para rin silang naka-bakasyon kung wala silang taping day. Medyo bundok na ito kaya malayo talaga sa maraming tao.
Sa isang banda, ibang tema at feeling namin, magiging controversial sa mga manonood ang To Have and To Hold. Adultery pa rin ito, pero may bonggang twist.
Mag-asawa ang role nina Max at Rocco Nacino na taong 2012 pa nang huling magkasama sa isang serye. Kasama rin si Carla Abellana sa serye at mukhang ang character niya ang magiging malaking twist sa diumano’y “picture-perfect” na buhay mag-asawa nina Max at Rocco.
Si Max ay halos kakakasal lang din at mag-iisang taon ang anak, pero napapabalitang on the rocks na ang marriage nila ni Pancho Magno.
Si Rocco naman ay nasa honeymoon stage pa lang ng marriage nila ni Melissa Gohing. At si Carla naman, ikakasal pa lang sa boyfriend na si Tom Rodriguez.
Pero mukhang silang tatlo ay pwedeng maka-relate at mapatanong sa totoong marriage nila kung keri ba nila sakali at same twist sa serye nila ang ma-experience nila, huh!
***
ANG pagiging Christian daw ni Jennica Garcia ay natutunan niya mula sa kanyang ama, ang dating actor na si Jigo Garcia.
Birthday ni Jigo at ng Misis nito. Pero simula nang makipaghiwalay sa Mister na si Alwyn Uytingco, balik showbiz si Jennica kaya wala siya sa birthday ng ama at step-mom.
Pero sa message ni Jennica sa daddy niya at sa misis ng ama, very grateful siya sa mga ito at ipinahayag kung gaano raw niya kamahal.
“Happiest Birthday to my Papa Jigo and his wife, Momsy Amy.
“Papa, it is because of you that I learned how and why it is important to read the word of God. It is the best gift that you have given me Papa, thank you!
“Momsy your devotion towards Papa and your children (my siblings) is one of your many beautiful traits that I admire.
“You shine wherever you go because the Holy Spirit resides in your heart.
“I love you both so much!
“I’ll see you all very soon.
“Mga kapatid ko, saya niyo dyan ha?
“Pagdating ko, sa kwarto tayo ni Alo. HAHAHAH!!!
Sa ngayon ay naka-lock-in taping si Jennica sa comeback serye niya sa GMA-7 na Las Hermanas sa Pampanga.
Masasabing surrounded pa rin talaga siya ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya at dalawang anak, sabihin man na nag-fail ang kanyang marriage life at parang nagsisimula siyang muli ngayon.
***
MUKHANG enjoy na enjoy sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, lalo na si Derek na ginagaya at tina-tag sila ng ilang netizens.
Panay ang post ng dalawa ng mga pictures nila in different posting.
Mula noong unang may mga gumaya sa kanila, nire-repost nila ito at gawa rin naman ng gawa ng mga bagong pwedeng gayahin sa kanila.
No doubt, both are enjoying the attention that they are getting. Parang ngayon talagang may pandemic, pwedeng sabihin na kanya-kanya ng gimmick ang ilang artista para relevant pa rin.
(ROSE GARCIA)
-
Uniting Against Dengue: Inaugural Dengue Summit Aims to Drive National Action
LAST June 25, 2024 marked a historic moment as health leaders, policymakers, researchers, and advocates nationwide convened for the inaugural Dengue Summit at the Manila Diamond Hotel. The summit, a collaborative effort led by the Philippines Medical Association (PMA), the Philippines College of Physicians (PCP), and the Philippine Pediatric Society, Inc […]
-
22-K bilanggo pinalaya – Año
Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]
-
National Post Office itayo muli, P13 bilyong contingent fund gamitin
“HISTORIAL landmark must rise from the ashes!” Ito ang binigyang diin ni House Deputy Speaker at 1st District Batangas Rep. Ralph Recto na ikinalungkot ang pagkaabo ng National Post Office Building matapos itong matupok ng apoy sa sunog sa lungsod ng Maynila nitong Lunes. Sinabi ni Recto na kailangang pabilisin at […]