• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May 1 pang dapat gawin para makalaro si Abueva

KINUMPLETO na lahat ni Calvin Abueva ang requirements sa kanya ng Philippine Basketball Association o PBA upang maalis ang indefinite suspension na nagsimula noon pang Hunyo 2019.

 

Pero may isang kailangan pang tuparin o isagawa ang PBA star, na pinagkakatanggi-tanggi lang kamakalawa ni professional league Commissioner Wilfrido (Willie) Marcial kung ano pa ang bagay na iyon.

 

Pero sa kabila noon, may pag-asa nang makalaro ang The Beast sa 45 th PBA Philippine Cup 2020 elimina- tions restart sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles City, Pampanga sa Linggo, Oktubre 11.

 

Nasa bubble na rin si Abueva, kabilang official lineup ng Phoenix Super LPG Fuel Masters. Dapat niyang gawin o sundin ang requirement para maalis ang asterisk sa pangalan niya sa listahan.

 

Sapagkat kung hindi, malamang na sa kuwarto lang ng delegasyon ng liga sa Quest Hotel niya panonoorin ang mga laro ng kakampi niya sa liquified petroleum gas.

 

Sumailalim na rin ang 32-taong-gulang, may taas na 6-2 at tubong Angeles, Pampanga sa online seminar sa Code of Conduct of a Professional Player and Gender Sensitivity Issues ng Games and Amusements Board o GAB para maibalik ang kanyang profes- sional playing license.

 

Kabit-kabit ang ang mga kasalanan ni Phoenix forward da unang Asia’s play-for-pay hoop bago hinambalos ni Marcial indefinite suspension sa nakaraang taon.

 

Pinakitaan niya nang kabastusan at pinagsalitaan ng hindi maganda ang dyowa ni Bobby Ray Parks. Jr. sa laro ng Phoenix at Blackwater. Sa next game ng team niya, binigyan ni Abueva ng matinding clothesline si TNT import Terrence Jones.

 

Pagkapataw nang walang katiyakang ban sa kanya ng PBA, inakusahan naman siya ng asawang si Salome Alejandra (Sam) Abueva ng physical at sexual harassment. Nagkaayos naman pagkaraan ang mag-asawa at nagbalikan na.

 

Dapat ding magpa-mandatory drug test na na parte ng medical requirements ang basketbolistang standout ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) mula sa San Sebastian Golden Stags kung gusto pa niyang makabalik-liga. (REC)

Other News
  • Simpleng tax rules para sa work-from-home business process outsourcing

    IDINIIN  ni House ways and means panel chair Rep. Joey Salceda ang kahalagahan ng “mas simple at mas malinaw na mga patakaran sa buwis” sa gitna ng napipintong paglilipat ng mga BPO sa Board of Investments (BOI).     Aniya, dapat gawing “mas simple” ng gobyerno ang mga patakaran sa buwis para sa mga kumpanya […]

  • TARGET ng Department of Education (DepEd) na tapusin ang pagrerebisa sa K to 12 curriculum sa Mayo ngayong taon.

    ”Ang target date po natin para matapos ‘yan is May 2024. After the review, bibigay sa atin, ipepresenta sa atin kung ano ‘yung mga napansin nila and then we will start with the revision process,” ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa sa Palace briefing. Enero ng nakaraang taon, sinabi ni Vice President at Education Secretary […]

  • Fil-Am rider Patrick Coo runner up sa BMX 2023

    SINIMULAN ni Patrick Bren Coo ang kampanya sa asam na magkwalipika sa unang Olympics sa Paris 2024 sa pagwawagi ng medalyang pilak sa Indonesia BMX 2023 Round 1 sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta nitong Linggo.   “It was very, very close to the gold, but it’s racing,” sabi ni Filipino-American Coo, na naging […]