Mayor Isko handang magpaturok ng Sinovac
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Handa si Manila City Mayor Isko Moreno na isa sa mauunang magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac makaraang mabigyan na ito ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA).
Sa pulong ni Moreno sa mga miyembro ng Manila City Council ipinaalam niya na ang kahandaan na mabakunahan ng naturang Chinese vaccine.
Base sa ulat, ang Sinovac ay may efficacy range na 65.3% hanggang 91.2% ngunit nasa 50.4% efficacy range lamang sa mga health workers na lantad sa COVID-19.
Sa kabila nito, nanindigan si Moreno na basta aprubado na ng FDA at may EUA na ay maaari nang gamitin kahit anong bakuna.
“May karapatan kayong maging choosy. Pwede kayo maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta may EUA gagamitin po natin,” giit ni Moreno. (GENE ADSUARA)
-
Sec. Cimatu, sinuspinde ang quarry operations sa Guinobatan, Albay
SINUSPINDE ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa Guinobatan, Albay makaraan ang pinsala na dulot ng Bagyong Rolly. Sa press briefing, sinabi ni Cimatu na may apat na katao ang namatay at tatlo naman ang nailibing ng rumagasang lahar mula Mayon Volcano. Ani Cimatu, malakas kasi ang agos ng tubig- baha […]
-
LTFRB: 2,000 UV Express units balik kalsada
HALOS mayroong 2,000 UV Express units ang pinayagan muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumalik sa kanilang operasyon. Ayon sa LTFRB may kabuohang 6,755 na UV Express units ang magkakaron ng operasyon sa 118 na pinayagang ruta sa Metro Manila matapos ang huling batch ng 2,428 na units maging operational. […]
-
SEA Games hosting ng Pilipinas pinuri ng foreign sports officials
Inaasahan ng mga foreign sports officials na mapapakinabangan nang husto ng mga Filipino athletes ang “state-of-the-art” na New Clark City sa Capas, Tarlac. Ang nasabing venue ang ginamit sa matagumpay na pamamahala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre kung saan hinirang na overall champion ang Team Philippines. Pinuri ni Ibrahim […]