• February 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

METRO MANILA, 7 PANG LUGAR, NAKA-GCQ PA RIN HANGGANG IKA-31 NG DISYEMBRE

SIMULA Disyembre 1  ay isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa  General Community Quarantine (GCQ) ang Davao del Norte.

 

Mananatili naman sa GCQ ang Metro Manila, Davao City, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur at Iligan City simula sa nasabing Disyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2020.

 

Sa public address ni Pangulong  Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na isinailalim ang Davao City sa GCQ status, alinsunod sa IATF Resolution No. 84, na nilagdaan noong Nobyembre 19, 2020.

 

“Upon the recommendation of the Task Force sa COVID-19 the following areas will be under general community quarantine from December 1 to 31. Let me explain. Alam mo kasi sa mga news hapon-hapon, wala talagang social distancing, walang — ‘yung iba hindi nagma — they did not wear mask, ayaw nila at matigas ang ulo,” ang pahayag ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, ang lahat ng iba pang lugar ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

“The quarantine classification ay ang National Capital Region: Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan, Davao City. The rest of the country will be under modified general community quarantine from December 1 to 31. Modified lang,” ayon sa Pangulo.

 

“Hindi kasi you know Davao del Norte does not want to be called Davao del Norte. They have passed a sort of a resolution. They only want to be called Davao. Gusto nila Davao lang. They want to claim the sole title of being Davao. Kaya kaming taga roon basta Davao del Norte, Davao lang kami,” dagdag na pahayag nito.

 

Ano na ba ang GCQ, MGCQ sa ngayon?

 

Bagama’t dati nang nakapaglatag ng mga guidelines pagdationg sa iba’t ibang uri ng quarantine protocols, dahan-dahan nang nagluluwag ang GCQ sa maraming lugar sa ngayon.

 

Ilan na riyan ay ang paglilimita ng GCQ mass gatherings sa 10. Gayunpaman, pinapayagan ang mga malalakihang protesta sa ilang lugar gaya ng University of the Philippines.

 

Dati, 10 katao lang ang pinapayagang magsimba at maglunsad ng religious activities sa mga GCQ areas. Naging 10% seating capatiy ito pagsapit ng Setyembre. Itinaas naman ito sa 30% sa GCQ areas noong Oktubre.

 

Limitado naman hanggang 50% ang religious gatherings sa mga MGCQ areas.

 

Ito ay kahit ang pwedeng lumabas ng bahay ang mga indibidwal na edad 15 hanggang 65 gulang sa mga lugar na GCQ at MGCQ.

 

Sa kabila nito, naninindigan ang Metro Manila police na tanging mga authorized persons outside homes (APOR) lang at essential workers ang pwedeng pumunta sa mga shopping center.

 

“‘Di pa po allowed yan sa GCQ. We’ll be having a meeting with mall managers na hindi pa rin po iaallow yung pagpapasok ng non-APOR kasi well be expecting an influx ng mga tao dyan sa mga malls and other places of convergence,” sabi ni Police Brig. Vicente Danao sa panayam ng Teleradyo, Martes.

 

“Para po makaiwas ng threat sa COVID, mas maganda po siguro wag na lang po muna.” (Daris Jose)

Other News
  • EJ Obiena muli na namang nakasungkit ng gold medal sa Germany

    PATULOY sa kanyang pamamayagpag sa Europa ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos makasungkit na naman ng panibagong gold medal sa kanyang nilahukan na 2022 True Athletes Classic in Leverkusen, Germany.     Ito ay makaraang makuha ni Obiena ang 5.81 meters upang talunin ang mga karibal na atleta mula sa Netherlands na si […]

  • ORGANIZERS NG OLYMPICS NATUWA SA BALITA NA MAY COVID-19 VACCINE NA

    IKINATUWA ng Tokyo Olympics organizers ang balitang mayroon ng coronavirus vaccine pero sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang mahigpit na bio- security planning para sa naunsiyameng Games.   Ayon sa Olympic officials, hindi basehan ang pagkakaroon ng COVID-19 para matuloy o maidaos ang Olympics sa 2021.   Pero sinabi nito na kung magkakaroon ng […]

  • PBBM, ipinag-utos ang Whole-Of-Gov’t Approach para palakasin ang bagong maritime program

    IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang whole-of-government approach para palakasin ang bagong maritime industry program, nakikitang makapagdadala ng mahalaga at matibay na  economic growth  sa bansa.     Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na  Philippine Maritime Industry Summit 2023,  sinabi ng Pangulo na sakop ng  bagong programa, tinawag na Maritime […]