Metro Manila mayors muling iginiit ang pagkontra sa bawas-distansya ng mga pasahero
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
Muli na namang ipinaabot ng 17 mga mayors sa Metro Manila ang hindi nila pagsang-ayon sa panukalang pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Metro Manila Council chairman at Mayor Edwin Olivarez, dapat dagdagan na lamang ng Department of Transportation ang mga sasakyang pumapasada lalo na ang mga tradisyunal na mga pampasaherong jeep.
Kapag nangyari ito, aniya malaking tulong ito sa mga tsuper na natigil sa pamamasada dahil sa coronavirus pandemic.
Dagdag pa nito, hindi pa napapanahon na magbawas ng distansiya dahil andiyan pa ang pangamba ng nasabing coronavirus.
Magkakaroon lamang ng kalituhan din sa mga tao dahil kapag nasa pampublikong lugar ay dapat panatilihin ang isang metro na layo habang kapag nasa loob ng pampublikong sasakyan ay mababawasan ang distansya ng bawat isa.
Ibinunyag pa nito na hindi sila nakonsulta ng DOTR nang ilabas ang nasabing kautusan sa pagbabawas ng distancing sa mga pampublikong sasakyan.
Nauna rito nagkaroon ng magkasalungat na paniniwala sina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano sa nasabing usapin kung saan pagdidisisyunan ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing kontrobersiyal na isyu
-
22-K bilanggo pinalaya – Año
Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]
-
DOTr sa LTO: Driver’s license exam, isalin sa iba’t ibang wika
HINDI na magiging limitado sa lengguwaheng Filipino at English ang ibinibigay na pagsusulit ng Land Transportation Office (LTO) para makakuha ng driver’s license ang isang indibiduwal. Sa Department Order 2020-003 na pinirmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, inatasan niya ang LTO na maglabas din ng driver’s licensure exam na mababasa sa […]
-
‘Amazing performance’ ni Steph Curry na may 50-pts nagpanalo sa Warriors vs Hawks
Nagbuhos ng 50 points ang NBA superstar na si Stephen Curry upang itumba ng Golden State Warriors ang Atlanta Hawks sa iskor na 127-113. Umabot din sa siyam na three points shots ang naipasok ng two-time MVP at walang sablay sa free throw line. Liban nito nagtala rin si Curry ng […]