• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga opisyal ng barangay, bantay din sa komunidad ngayong Semana Santa- MajGen Alba

MAGSISILBING bantay din sa komunidad ang mga barangay officials ngayong panahon ng Semana Santa. Sa katunayan, sinabi ni PNP spokesman at Director for Police Community Relations Major General Roderick Augustus Alba sa press briefing sa Malakanyang na kasama ang local government units (LGUs) at iba pang organisasyon na accredited ng PNP para tumulong sa kapulisan para sa kaligtasan at seguridad ng lahat sa buong Lenten Season. “Actually, kasama po sila sa deployment na sinasabi natin because the 65,000 personnel are not purely members of the uniformed service ng PNP – sa PNP lang po ito. We are actually deploying 40,000 – iyong 40,000 na ito po this covers the entire summer vacation security deployment. Now, pagdating po ng Holy Week, we increased it with another 25,000. Aside from this, we will be engaging volunteers groups,” ang sinabi ni Alba. Partikular na tututukan ng kapulisan at ng hindi miyembro ng uniformed service ng PNP ang walong krimen gaya ng ‘robbery, theft, murder, rape, carnapping MV at carnapping MC, homicide at Physical injury. “But we are very particular sa crime against properties, sinabi ko po kanina, once we leave our homes, ito po talaga ay common targets ng mga suspects or criminal suspects na tatargetin nila. That’s why ito po iyong ating guidance, that we have to closely coordinate with our nearest police stations before we leave our home at keep these numbers with us,” ang pahayag ni Alba. At ang payo nito sa publiko na mag-uuwian sa lalawigan para ipagdiwang ang Semana Santa ay “dapat may mga load iyong ating cellphone na anytime po ay puwede tayong mag-access ng mga websites ng PNP, getting the hotline numbers.” Sa kabilang dako, babantayang mabuti ng mga tauhan ng PNP ang terminal, transport hubs, pilgrimage sites, simbahan, tourist destinations. Nakasaad sa guideline ng PNP ang magkaroon ng enhanced police presence o dapat na visible ang ating Philippine National Police (PNP) sa mga nasabing lugar. “We’ll also augment mobile patrols kasi po ang ating concentration ay sa highly populated areas now mayroon pong mga kabahayan iyong mga subdivision areas, residential areas ay naiwanan po ang mga bahay – so, ito rin po ay isang focus namin,” aniya pa rrin. Samantala, sa ngayon ay wala pa naman aniya silang natatanggap na pagbabanta para sa seguridad at kaligtasan ngayong Lenten Season. “But on the part of the PNP, we remain on full alert especially in historically vulnerable areas. Our intelligence units are closely coordinating with the Armed Forces of the Philippines kasama namin dito iyong Philippine Cost Guard to preempt any threats from any groups would want to magkaroon po ng disorder iyong ating bansa,” ang sinabi ni Alba. “So, as to our vital installations we have also increased deployment of our personnel around power plants, communication infrastructure and transportation terminals. We’re also closely coordinating with private security groups and local crisis management councils. Sinabi po ng ating good Secretary kanina mayroong mga possible road mishaps, sea mishaps – ito po ay aming pinagpreparahan sa ngayon on the part of the Philippine National Police,” litaniya ni Alba. (Daris Jose)

null

Other News
  • ADMU suportado ang seniors na gustong mag-pro

    Walang balak ang Ateneo de Manila University na hadlangan ang mga senior players nito na nagnanais pumasok sa professional leagues sa basketball at volleyball.   Ito ang parehong inihayag nina men’s basketball head coach Tab Baldwin at women’s volleyball head coach Oliver Almadro kung saan parehong susuportahan ng dalawa ang sinumang players nito na magpapasyang […]

  • Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN

    KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m.       Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap […]

  • Willie Revillame, naipamigay na ang P5M ayuda para sa higit 3,000 jeepney drivers

    Maayos na naipamahagi ni Willie Revillame ang limang milyong pisong ayuda para sa jeepney drivers ngayong Miyerkules ng tanghali, August 19.   Personal itong inasikaso ni Willie.   Sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tinipon ang transport leaders at jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit anong transport group.   Nakatanggap […]