Mga sasakyan, inararo ng SUV sa Maynila
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
INARARO ng isang SUV ang ilang mga sasakyan sa United Nations Avenue sa Maynila , Lunes ng umaga.
Sa imbestigasyon, isang tricycle driver at ilang motor rider ang nadamay sa insidente na kapwa isinailalim sa paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat.
Sa impormasyon, naunang tumama ang puting SUV sa concrete barrier nang bigla na lamang umano itong umangat at nagdire-diretso sa kanto ng UN at Taft Avenue.
Limang motorsiklo ,isang tricycle at dalawang sasakyan ang nadamay sa insidente.
Itinanggi naman ng may-ari ng SUV na nakainom ang kanyang driver.
Ayon sa may-ari, kasasakay lamang niya sa SUV nang bigla na lamang itong “nag-wild” at humarurot.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang driver ng SUV .
Samantala, umapela ang mga nadamay na motorista na sagutin o bayaran ang napinsala nilang sasakyan .
Nagpahayag naman ng kahandaan ang may-ari ng SUV na sagutin ang danyos. GENE ADSUARA
-
P70-B inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines
Inaprubahan na ng House at Senate contingent sa bicameral conference committee ang reconciled version ng P4.5-trillion proposed 2021 national budget. Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ratipikahan sa plenaryo mamayang hapon ang bicam report sa panukalang pondo para sa susunod na taon. Pinangunahan nina House Committee on Appropriations Committee chairman Eric Yap […]
-
Matapos ang pagbisita ni PBBM sa Japan… Speaker Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa
SPEAKER Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa matapos ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Japan Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga mumuhunan at negosyante mula Japan na nais magtatag ng negosyo sa Pilipinas. Ayon kay Romualdez, ‘overwhelmed’ ang Pangulo dahil, […]
-
Suot na Miraculous medal ni Hidilyn nakatulong para manalo
Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kung ano ang ibig sabihin ng pagsusuot nito ng miraculous medal. Marami kasi ang nakapansin sa nasabing suot nitong kuwentas noong tanggapin niya ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympics. Sinabi nito na ibinigay ito ng kaniyang kaibigan na nag-novena ng siyam na […]