• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA nais panatilihin ‘mandatory face mask’ kahit Alert Level Zero

GUSTONG  panatilihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang sapilitang pagpapasuot ng face masks sa publiko kahit na i-deescalate pa ang ilang lugar sa mas maluwag na “Alert Level zero” sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.

 

 

Ito ang ibinahagi ni MMDA general manager Frisco San Juan Jr., Martes, sa panayam ng state media sa Laging Handa briefing.

 

 

“Gusto lang po naming patuloy pa ring magsuot ng face masks hanggang masabi na po natin na talagang hindi na po tayo matatamaan ng COVID-19, lalung-lalo na ngayong bukas na po ang ating mga airport sa mga ibang bansa na nais dumalaw,” ani San Juan.

 

 

“Sa amin po, kung anong irerekomenda ng ating [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases]. Ang aming sentimyento ay hangga’t maaari, hindi po namin maaaring i-impose [ang mandatory face mask sa Alert Level 1] kung hindi ito i-iimpose ng IATF.”

 

 

Ika-10 lang ng Marso nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagpapatupad ng alert level system na mas maluwag pa sa Alert Level 1 sa ngayon, lalo na’t bumababa ang kaso ng nakamamatay na COVID-19.

 

 

Ani Duque, kailangan pang klaruhin kung pwede nang tanggalin ang ilang minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks oras na ilagay sa Alert Level 0 ang anumang bahagi ng bansa.

 

 

Una nang sinabi ni San Juan na handa na ang mga alkalde ng National Capital Region oras na ipatupad man ito. Sa kabila nito, pangunahin pa rin daw na concern na tumaas ang COVID-19 cases.

 

 

“Wala po namang nagsabi [sa 17 Metro Manila mayors] ng kanilang oposisyon. Ang napag-usapan pa lang po ay handa silang lahat [sa Alert Level 1],” dagdag pa ni San Juan.

 

 

Matatandaang nakalagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 pang lugar sa Pilipinas, bagay na matatapos ngayong araw.

 

 

Inaasahang ilalabas ang panibagong alert level system kaugnay ng COVID-19 ngayong araw o bukas, Miyerkules.

 

 

Aabot na sa 3.67 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan lang ng 554 nitong Lunes. Sa bilang na ‘yan, 57,625 na ang patay. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby

    DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin.     Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic […]

  • Negosyo sa Maynila mas yumabong kahit may pandemya

    Ipinagmalaki kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno sa kaniyang State of the City Address (SOCA) ang patuloy na pagiging matatag ng lungsod  ngunit nagbabala na mararamdaman ang epekto ng tatlong buwang lockdown sa ekonomiya sa mga darating pang buwan.   Sa kabila nito, sinabi ni Moreno na handa ang Maynila makaraang lumago pa ang […]

  • Go, may buwelta naman kay Gordon

    Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador.     Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.     Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para […]