• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, pinayuhan ang mga supporters na iwasan ang magkalat sa panahon ng campaign rallies

TINAWAGAN ng pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga supporters ng 2022 election candidates na iwasan ang pagkakalat kapag sumama sa campaign rallies.

 

 

“Ini-encourage natin ‘yung mga supporters ng atin pong mga kandidato na iwasan po yung pagkakalat,” ayon kay MMDA officer-in-charge General Manager Romando Artes.

 

 

Sinabi ni Artes na ang mga personnel o tauhan mula Metro Parkways Clearing Group (MPCG) at Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) ng MMDA ay bumubuntot sa mga basurang naiiwan sa panahon ng nasabing aktibidad.

 

 

Nauna rito, pinaalalahanan naman ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga kandidato na maging environmentally conscious sa pagsisimula ng campaign period  noong Pebrero 8.

 

 

Partikular na pinaalalahanan ni Cimatu ang mga kandidato na maayos na paghiwalay-hiwalayin ang kanilang mga campaign materials at itapon ng maayos.

 

 

Ang DENR at mga concerned government agencies ay lumagda sa isang joint memorandum circular na naglalayong hikayatin ang mga political parties, party-list groups, at individual candidates na magpatupad ng Solid Waste Management Act of 2000 para sa “Basura-Free Elections.”

 

 

Sa panahon ng kampanya noong 2019 elections, nakakolekta ang MMDA ng 29 truckloads o 200.37 tonelada ng discarded election-related materials mula Marso 1 hanggang Mayo 16.  (Daris Jose)

Other News
  • Ravena 3 buwang pahinga

    IPINAHAYAG  ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa  Chunichi Hospital sa Narita, Japan.   Pinapagaling  na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import  Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes.   “Happy to announce that my […]

  • Diaz seselyuhan ang ika-4 niyang Summer Olympics

    LUMAPAG na sa Tashkent, Uzbekistan si 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting 53-kilogram silver medalist Hidilyn Diaz upang pormalisahin na lang pang-apat na pagsabak sa 32nd Summer Games sa pagbahagi sa 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Abril 16-25.     Abr. 10 nagbuhat sa Malaysia na naging kampo niya […]

  • Maagang pagboto ng mga seniors, PWDs, abogado, human resources for health, aprub sa Kamara

    INAPRUBAHAN sa ikatlo at pinal na pagpasa ng kamara ang panukala para sa maagang paboto ng mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abogado at human resources for health sa national at local elections.     Sa botong 259, ipinasa sa plenaryo ang House Bill 7576, na pinagsama-samang 15 magkakahiwalay na panukala na inihain […]