Morales hindi sisibakin ni Duterte– Palasyo
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi umano sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) general manager Ricardo Morales hangga’t walang ebidensyang sangkot ang retiradong heneral sa korupsyon sa insurance corporation.
Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos matanong kung dapat bang magbitiw na si Morales sa kanyang pwesto kasunod ng alegasyong malawakang katiwalian sa insurance corporation.
Sinabi ni Sec. Roque, bahala na si Morales na magdesisyon lalo nabanggit na ni Pangulong Duterte na hindi tatanggalin ang pinuno ng PhilHealth kung walang patunay sa mga alegasyon.
Ayon kay Sec. Roque, hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng Senado gayundin sa hiwalay na imbestigasyon ng Presidential Management Staff (PMS).
Kapag nailabas na umano ang ebidensya, tiyak na aaksyon na rito si Pangulong Duterte.
“That’s really up to him. I am not in the position to tell him what to do. The President has said that he will not fire him unless there is evidence and I think the Senate now is in the process of documenting this evidence,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Gobyerno, target na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Pinoy bago sumapit ang eleksyon sa Mayo
PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa covid 19 ang 77 milyong adults bago pa sumapit ang pinaka-aabangan na May 9, 2022 elections. Ang anunsyo na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang […]
-
“MALUSOG NA BATO SA PANDEMYA” AT NATIONAL KIDNEY MONTH 2020
Ang buwan ng Hunyo sa ating bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 184 (1993, President Fidel Ramos) ay kinikilala bilang National Kidney Month. Tinatayang 20% ng pambansang populasyon o 21.4 million ay nakararanas ng problema sa bato base sa glomerular filtration rate na sumusukat ng kapasidad ng ating bato. . Kabilang sa mga sakit […]
-
Cray sasalang sa 9-track competitions
Siyam na track and field competitions ang nakatakdang lahukan ni Fil-American trackster Eric Cray sa hangaring makakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Layunin ng six-time Southeast Asian Games gold medalist na makuha ang Olympic standard na 48.90 segundo sa men’s 400-meter hurdles. Kasama sa mga torneong […]