• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Most wanted person ng Pampanga, nabitag sa Valenzuela

KALABOSO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Angeles, Pampanga matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Richard Floren, 36 ng Brgy. Viente Reales ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na ang akusado ay naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa Disiplina Village, Barangay Viente Reales dakong alas-3:10 ng hapon.

 

 

Ani Col. Destura, unang nakatanggap ng impormasyon ang WSS na naispatan ang presensya ng akusado sa nasabing lugar na naging dahilan upang agad magsagawa ng mahunt operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay Floren.

 

 

Si Floren ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 10, Angeles City, Pampanga, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. (Richard Mesa)

Other News
  • NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE

    PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales.     Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod […]

  • JULIA, malaki ang pasasalamat kay Direk BRILLANTE sa ‘di malilimutang experience sa ‘Bahay Na Pula’

    NAKATAPOS na pala ng isang pelikula si Julia Barretto na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza, ang Bahay Na Pula na soon ay ipalalabas sa Vivamax.     Muli niyang makakasama ang isa sa leading man sa serye ng Di Na Muli na pinalalabas sa TV5 na si Marco Gumabao at kasama rin si Xian […]

  • 4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino

    WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila.   Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino […]