• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapasalamat sa sumusuporta at nagdarasal… LIZA, nadismaya sa ‘di pagdating ng kabilang panig sa mediation sessions

SUNUD-SUNOD ang naging post ni Liza Diño kahapon tungkol sa haharapin niyang mediation sessions para sa cyber libel cases na kanyang sinampa.

 

 

 

Unang post niya, “Attending three mediation sessions today for the cyber libel cases I filed. Kailangan ko ng lakas. Pls pray for me and for the truth to prevail. Thank you sa support (folded hands and heart emoji)”

 

 

Paglipas ng isang Oras, muling nag-post si Liza kasama ang photo na kuha sa Justice Cecilia Muñoz-Palma Building ng DOJ, “Lord, let unbiased, impartial truth and fairness prevail. I filed this case dahil naniniwala po ako sa batas. I leave it all up to you (folded hands emoji)”

 

 

Kasunod nito ang kanyang special message sa kanyang mahal sa buhay, “Shout out to my love who never left my side. Salamat sa lakas love. I don’t know if I’ve ever said it enough, but you and @Amara are my strength. Thank you and I love you. @Íce Diño Seguerra.”

 

 

Sinagot naman ito ni Ice ng, “Hinding hindi ka mag-iisa. Nandito ako palagi sa tabi mo. I love you!”

 

 

At pagkaraan nga maraming oras ay nag-update si Liza sa naganap…

 

 

“Ang mediation process ay parte ng justice system natin kung saan pinagtatagpo ang dalawang panig para magharap at mag-usap. This should be attended by the parties involved. And not their legal counsels.

 

 

“Hindi po madali to mentally prepare for this lalo pa kung ngayon mo lang sila makikita but I attended all three mediation sessions today — 10am, 1pm at 2pm because I respect the process.

 

 

“Unfortunately, hindi po dumating ang kabilang panig sa ni isa man sa mga sessions kanina. Lawyers nila ang pumunta and because of this, kailangan na namang magset ng panibagong schedule. Bakit ayaw nyong humarap?

 

 

“Ang hirap pala nung pakiramdam na ikaw na yung agrabyado, parang ikaw pa ang nakikiusap na irespeto yung proseso.

 

 

“But it is what is. This was after all a choice I made to uphold the truth and I will not give up.

 

 

Thank you sa lahat ng nagsend ng prayers and support. It really means a lot.”

 

 

Matatandaang nag-file nga ng kaso si Liza last May na kung saan naglabas ng official statement ang kanyang legal counsel na si Atty. Regie Tongol…

 

 

“Former Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño has filed four complaints involving seventy-eight (78) counts of cyberlibel against Philippine Entertainment Portal (Pep.ph) editor-in-chief Jo-Ann Maglipon and Pep.Ph news editor and writer Rachelle Siazon over a series of libelous articles posted on the website of Pep.Ph in 2023.

 

 

“Also impleaded in the complaints are various personalities including actor and former FDCP chairperson Tirso Cruz III and the present chairperson of the FDCP, Jose Javier Reyes for their hand in the actions of Pep.ph against our client.”

 

 

Aabangan namin ang magiging sagot o statement ng kabilang panig, and hopefully, matuloy na ang paghahanap sa mediation sessions na muling itatakda.

 

 

***

 

 

PUMIRMA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iAcademy sa isang memorandum of understanding (MOU) na para gumawa ng mga mural na magpapakita ng mga iconic na pelikula mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo nito ngayong taon.

 

 

Sa naturang partnership, ipipinta ng mga mag-aaral ng iAcademy ang mga mural na nagtatampok ng ilang MMFF film posters mula sa nakalipas na 50 taon, na magbibigay sa mga manonood ng makulay at nostalgic na art display, sa kahabaan ng EDSA.

 

 

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, na nanguna sa MOU signing, ay nagpahayag ng pasasalamat sa iAcademy sa kanilang suporta sa ahensya, na hindi lamang magpapaganda sa mga pader sa kahabaan ng EDSA sa pamamagitan ng likhang sining ng mga mag-aaral kundi makakatulong din sa pagsulong ng 50th edition ng MMFF sa ilalim ng temang “Sine-Sigla sa Singkwenta.”

 

 

“We will make EDSA nostalgic through murals of hand-painted movie posters to celebrate the rich history of MMFF,” said ni Artes, citing that the agency is contacting hand-painted movie poster artists to collaborate with the iAcademy students.

 

 

Isa sa mga iminungkahing lokasyon para sa mga mural ay sa kahabaan ng EDSA, mula Buendia hanggang Ayala, na humigit-kumulang 653 metro ang haba.

 

 

Samantala, ang chief operating officer ng iAcademy na si Raquel Wong ay nagpahayag ng pasasalamat sa tiwala ng MMDA, binanggit dito na ang programa ay,“symbolizes our shared commitment and uses creativity to enhance our public spaces. The artworks of our students will showcase not only their skills but the Filipino life, community, and creativity.”

 

 

“We are excited to show that these artworks will inspire and remind everyone of the power of creative collaboration in shaping our urban environment,” pahayag ni Wong.

 

 

Ang MMDA ay dati nang nakipagtulungan sa iAcademy, (na isang institusyong pang-akademiko na nag-i-specialize in Computing, Business, and Design) kasama ang Boysen sa isang aktibidad sa pagpipinta ng mural na may temang nakatuon sa kaligtasan sa kalsada, na naaayon sa mandato at adbokasiya ng MMDA.

Other News
  • IMMUNIZATION PROGRAM NG DOH KONTRA TIGDAS, IN-EXTEND HANGGANG MARSO 7

    UPANG maabot ang target na population na 95%, pinalawig pa ng hanggang Marso 7 ang immunization program ng  Department of Health (DOH) laban sa sakit na rubella, tigdas at oral polio vaccine  Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).   Inulat ng DOH na hanggang noong March 1, 2020, 83.7% o 4,269,423 ang nabakunahan laban sa tigdas […]

  • Ravena balik na assistant coach sa Tropang Giga

    IBINALIK sa kanyang dating posisyon sa Talk ‘N Text si Ferdinand Ravena, Jr.  bilang isa sa mga assistant coach sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Abril 9     Ito’y makaraang iupong muli ng Tropang Giga management si Vincent Reyes bilang coach ng flagship team ng MVP Group.     […]

  • “Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it” – Romualdez

    CITY OF MALOLOS – “Freedom is not only a privilege but a responsibility to fight for it. We, as Filipinos in the new generation, have responsibilities to continue the fight for freedom.”     This was the message of House Speaker and Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin G. Romualdez during the commemoration of the […]