• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nahabag sa kalagayan ng mga lumisan dahil sa giyera: RYAN REYNOLDS at BLAKE LIVELY, nag-donate ng $1 million para sa Ukraine relief ng United Nations

ANG pagiging seryoso sa trabaho at ang maging responsableng ama ang naging malaking pagbabago ni Mark Herras sa sarili niya.

 

 

Simula noong magkaroon sila ng anak ng misis niyang si Nicole Donesa, ito na raw ang lagi niyang naiisip at gusto niyang paghandaan ang kinabukasan nito.

 

 

Tapos na raw si Mark sa kanyang pagiging gastador at pagiging isang babaero. Kailangan daw ay tama lahat ng gawin niya para sa kanyang pamilya.

 

 

“Noon kasi, siyempre, marami tayong mga hindi magagandang ginagawa. Lahat naman iyon, pinagsisihan kong gawin. Noong mawala na yung mga taong nag-alaga at nagmahal sa akin, doon na ako natutong maging responsable sa mga kinikita ko. Hindi na puwede yung ubos-biyaya tayo.

 

 

“Noong dumating si Nicole at si Baby Corky, mas dumoble ang pagiging seryoso ko sa buhay. Hindi na ako bata na puwedeng gawing excuse yung hindi mo alam ito o nagkamali ka. Dapat lahat ng gawin ko ay tama kasi gusto kong maging role model ng anak ko paglaki niya.

 

 

“Kaya noong mag-lock-in taping kami for Artikulo 247, talagang inaral ko ang character ko. Binigay ko yung hinihingi ng role kasi ang gagaling ng mga kasama ko rito. Mapapanood nila ang ibang Mark Herras sa teleserye na ito,” pahayag ng Kapuso actor.

 

 

Kung sa mga past roles daw ni Mark ay maangas at medyo bad boy siya, kabaligtaran daw ngayon sa Artikulo 247 dahil isa siyang mayaman, disente at mabait.

 

 

“Feeling ko nga nagkapalit kami ng roles ni Benjamin (Alves), kasi mas bagay sa kanya yung role ko as Elijah. Pero yun daw ang gusto ng direktor namin na si Direk Jorron (Monroy).     “Gusto niyang maalis kami sa dating alam naming gampanan. He wants to see a different side sa acting namin. Kaya tutok talaga ako sa role ko na na-enjoy kong gawin. For once kasi, hindi ako bad boy!” tawa pa niya.

 

 

***

 

 

NAG-DONATE ng $1 million ang mag-asawang Ryan Reynolds at Blake Lively para sa Ukraine relief ng United Nations.

 

 

Sa New York City premiere ng bagong pelikula ni Ryan na The Adam Project, sinabi nito na nahabag ang puso niya sa kalagayan ng maraming Ukrainians na kailangan lisanin ang kanilang mga tahanan at maging refugee sa ibang bansa dahil sa giyera na sinimulan ng bansang Russia.

 

 

Noong napag-alaman nila ni Blake ang tungkol sa UNRefugee.org, agad silang nag-donate.

 

 

“We are lucky enough and fortunate enough that we can do it, and also, I cannot imagine what it is like to have to leave your home and I can’t imagine what it is like to leave your home in an hour’s notice. We felt like it was the right thing to do and help bring others into that conversation… It’s been incredible,” sey ng aktor.

 

 

Sa The Adam Project, gumaganap na isang fighter pilot from the future si Ryan at na-meets niya ang sarili niya noong 12-year-olds siya.

 

 

“I wanted to tell this type of story. There was an emotional core to it you could not deny… It reminded me of all the kind of movies I loved as a kid — ‘E.T.,’ ‘Goonies,’ ‘Stand by Me,’ ‘Back to the Future’… They weren’t just for kids, or they weren’t just for adults, they were for everyone. To center on the point of view of a kid and what that’s like for a kid, and something spectacular happens.”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ₱33M halaga ng imprastraktura at 868 kabahayan napinsala ng lindol sa Abra

    TINATAYANG umabot na sa  868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra.     Bukod dito, may  ₱33 milyong halaga naman ng imprastraktura sa tatlong iba pang rehiyon ang napinsala rin ng nasabing paglindol.     “There is no estimate yet on […]

  • 1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

    SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.   Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.   Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo […]

  • Umaasang mamahalin din ang role sa bagong serye… GABBY, constant ang communication sa mga kapatid lalo na kay ANDI

    BILANG mabait at matapang na commander ng Earth Defense Force, minahal ng publiko ang karakter ni Gabby Eigenmann bilang si Commander Robinson sa ‘Voltes V: Legacy’ na umere sa GMA noong 2023.     Marami nga ang naapektuhan at nalungkot noong namatay si Commander Robinson sa kamay ng mga aliens na Boazanian habang ipinagtatanggol ang […]