Nalalabing araw sa Olympic torch relay iiwas muna sa public roads
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
Balak ngayon ng mga otoridad na baguhin ang unang walong araw ng Olympic torch relay sa siyudad ng Tokyo dahil sa pangamba sa hawaan sa COVID-19.
Ayon sa mga organizers iiwas muna sila sa mga matataong lugar o public roads para makaiwas din sa super spreader events.
Inaasahan kasi na sa July 9 ay darating na ang traditional torch relay sa Tokyo at ipaparada ito sa mga sentrong lugar hanggang sa grand opening ng pinakalamaking sporting event sa buong mundo sa July 23.
Sa ngayon hindi pa tinukoy ng Olympic organizers ang mga lugar na dadaan ng Olympic torch relay sa Tokyo lalo na at ang host city ay nasa state of emergency pa hanggang July 11 dahil sa pangamba sa COVID surge.
-
REGINE, nakikiusap na wag ikalat ang nag-leak na materials ng ‘Freedom’ concert
NAKIKIUSAP si Regine Velasquez-Alcasid na wag ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital concert na Freedom sa magaganap sa Valentine’s day. Tweet ni Regine last January 22, “Hi guys pakiusap lang may nag leak na materials from the concert please pa delete naman. “Please wag nyo na I repost.” […]
-
Djokovic nahigitan na si Federer sa may pinakamatagal na pagiging numero 1
Nahigitan na ni Novak Djokovic ang record na hawak ni Roger Federer sa may pinakamaraming linngo na nanatili sa unang puwesto sa world ranking. Umaabot na kasi sa 311 linggo na nananatili sa unang puwesto ang Serbian tennis star. Nalagpasan na nito ang 310 na linggo na hawak ng Swiss tennis […]
-
Panukala na isama ang personal financial education sa mga tech-voc na paaralan, inaprubahan ng Komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Bill 7333 o “Personal Financial Education for Tech-Voc Schools and Centers.” Naglalayong isama nito ang kaalaman sa pananalapi sa teknikal-bokasyonal na kurikula, na ganap na nakatuon sa pansariling pananalapi. Ayon kay Bukidnon […]