NBA, binabalak isagawa ang All-Star Game sa March 7 sa Atlanta
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
Binabalak umano ng NBA at players association na isagawa pa rin ang All-Star Game.
Maari aniyang mangyari ito sa March 7 nitong taon.
Pinag-iisipan ng liga na gawin ito sa Atlanta.
Kung maaalala ang orihinal na schedule ay sa susunod na buwan na sana ang 2021 All-Star Game sa Indianapolis pero ipinagpaliban dala pa rin ng COVID pandemic.
Ang hakbang ng NBA ay sa kabila na meron ng 21 games ang nakansela mula ng magsimula ang season, isang buwan na ang nakakalipas bunsod ng isyu sa protocols.
Noong nakaraang linggo inanunsiyo ng NBA na umaabot sa 11 mga players ang panibagong nagpositibo sa COVID-19.
Bago ito meron ding 16 pang players ang nakumpirma ring tinamaan ng coronavirus infections.
-
Roque kokonsultahin si PDU30, pamilya ukol sa 2022 Senate bid
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kakausapin na muna niya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago magdesisyon kung maghahain o hindi ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-senador sa May 2022 elections. “Magkakausap muna po kami ni Presidente and I continue to consult with my family members and my supporters as […]
-
Gobyerno, naglaan ng P3B para sa rehabilitasyon, modernisasyon ng 8 airports sa bansa
TINATAYANG 8 paliparan sa buong bansa ang makatatanggap ng pondo sa ilalim ng 2023 national budget para isailalim sa rehabilitasyon at pagsasaayos. Sa kalatas na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi nito na ang paglalaan ng pondo ay nakaayon sa implementasyon ng 8 airport projects na nakapaloob sa ilalim ng […]
-
Kahit na pilay: Pingris, aayuda sa Gilas
KAHIT NA hindi makakalarong muli sa Gilas Pilipinas, aasiste naman sa kahit anong paraan si Jean Marc Pingris sa kampanya ng national team sa first window ng 2021 International Basketball Federation o FIBA Asia Cup Qualifiers. Sumugod pa rin ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok player sa ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) Gilas pool […]