• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBA players, binigyan ng June 24-deadline para ihayag kung maglalaro sa season restart

Binigyan na ng palugit ang mga players ng NBA hanggang Hunyo 24 upang abisuhan ang kani-kanilang mga teams kung lalahok o hindi ang mga ito sa pagbabalik ng mga laro ng liga sa Walt Disney World.

Mismo kasing mga NBA players ay hindi nagkakaisa sa muling pagpapatuloy ng season sa Orlando dahil sa samu’t saring mga dahilan, tulad ng coronavirus pandemic at social issue sa Amerika.

Batay sa memo mula sa National Basketball Players Association, nagkasundo rin daw ang liga at ang unyon na sa muling pagpapatuloy ng season, sinumang players na mas pipiliing hindi muna maglaro ay babawasan ng 1/92.6th ang kanilang kompensasyon sa kada game na hindi nila sasalihan, na may limitasyon na hanggang 14 laro.

Maliban dito, inabisuhan na rin ng NBA ang mga players na sasailalim sila sa ilang mga proseso sa oras na umalis sila sa Disney campus na walang pahintulot.

Kabilang na raw dito ang pagsailalim sa 10 hanggang 14 na self quarantine, pagbawas sa sahod sa kada larong hindi lalahukan, at enhanced testing gaya ng deep nasal swab.

Una rito, sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na kung hindi raw panatag ang isang player na maglaro sa Disney sa anupamang rason, hindi naman daw nila kinakailangang mag-report sa kanilang

Other News
  • MGA MALLS SA MAYNILA GAGAMITIN NA VACCINATION SITE NG PEDIATRIC

    BINUKSAN na rin ang ilang mga malls sa Maynila para sa vaccination ng pediatric age mula 5 hanggang 11 taong gulang simula ngayong araw.     Sa ibinahaging impormasyon ng Manila Public Information Office (MPIO), maaari nang magtungo sa SM San Lazaro, SM Manila, Robinson’s Place Manila, at Lucky Chinatown ang nasabing age group para […]

  • ‘3 weeks na voter registration extension, aprubado na ng Comelec’

    Aprubado na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voter registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng ilan nating kababayan na nais magparehistro.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang extension ng voter registration ay isasagawa sa Oktubre 9 hanggang Oktubre 31.     Ang voter registration […]

  • Espiritu 4 Fil-Am sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021

    ISA sa mga inaasahang patok sa nakatakdang Virtual 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa Marso 14 ay si Troy Rike at ang tatlo pang kapwa niya Filipino-American.     Ito ang ipinahayag kamakalawa PBA players agent Marvin Espiritu, hinirit na bukod sa 6-foot-8 cager na produkto ng Wake Forest  University sa USA at […]