NCAA ikakasa na ang Season 97
- Published on March 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG magpulong ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) bukas (Lunes) upang ipinalisa ang lahat ng kakailanganin para sa nakatakdang pagbubukas ng Season 97.
Ayon sa mga ulat, nakatakdang magbukas ang NCAA Season 97 sa Marso 26 kasabay ng opening ceremony ng UAAP Season 84 na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Subalit wala pang pormal na kumpirmasyon ang NCAA kung sa parehong petsa rin gaganapin ang opening rites ng pinakamatandang liga sa bansa.
Inaasahang iaanunsiyo ito ng NCAA management committee sa oras na matapos ang meeting ng grupo.
Kabilang din sa mga dedesisyunan ng NCAA mancom kung pahihintulutang makapanood sa venue ang mga fans at mga supporters ng iba’t ibang teams.
Ilalatag din ang matinding health protocols na ipatutupad sa buong panahon ng bawat torneong isasagawa para masiguro na ligtas ang lahat ng student-athletes, coaches, officials at staff.
May temang ‘Stronger Together, Buo ang Puso’ ang season na ito na itataguyod ng host College of Saint Benilde.
Nakasentro ang atensiyon ng lahat sa pagbubukas ng men’s basketball tournament gayundin ng volleyball competitions matapos ang mahigit dalawang taong pagkakaudlot dahil sa pandemya.
Noong Season 96, tanging mga online events lamang ang isinagawa sa liga kabilang na ang poomsae, speed kicking at chess.
Kaya naman excited na ang lahat sa pagbabalik-aksyon ng NCAA lalo pa’t bumubuti na ang kalagayan ng bansa patunkol sa pandemya.
-
President Duterte pinahinto ang vehicle inspection scheme
Pinahinto ni President Duterte ang pagpapatupad ng vehicle inspection scheme program ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa dumaraming reklamo sa mataas na bayad dito. Hindi na mandatory ang MVIS para sa renewal ng registration ng mga private at public utility vehicles (PUVs). “MVIS is no longer mandatory. That means there […]
-
PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo
PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo. Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny […]
-
Walang kalawang si Patong Patong
MAY ilan ding buwang garahe sa karera ng mga kabayo ang stakes race campaigner na si Patong Patong na nirendahan ni JD Flores. Pero hindi kinakitaan ng kalawang ang dalawanang matikas na pamayagpagan ang Philippine Racing Commission o PHILRACOM Rating Based Handicap System 2020 nitong Linggo, Setyembre 6 sa Metro Manila Turn Club sa […]