New year’s resupply mission sa West PH Sea, naging matagumpay – PCG
- Published on January 11, 2024
- by @peoplesbalita
Ito ay makaraang makapagsagawa ng rotation and resupply (RORE) mission sa West Philippine Sea (WPS) mula Enero 3 hanggang 9, 2024.
Ligtas na nakarating ang nasabing PCG vessels sa port sa Bataraza, Palawan, matapos maghatid ng mga mahahalagang supply sa mga tauhan ng Coast Guard na naka-deploy sa mga PCG unit na matatagpuan sa Kalayaan Island Group (KIG), partikular sa Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Isla.
Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, na sasailalim sa mga improvement ang mga pasilidad ng Coast Guard sa nasabing mga isla ngayong taon.
Ibinahagi niya na gagamitin ng PCG ang karagdagang budget ng taon para sa pagpapaunlad ng imprastraktura upang palakasin ang mga kakayahan sa pagtugon at pagsubaybay sa WPS.
Samantala, pinuri naman ni Coast Guard District Palawan (CGDPAL) Commander, CG Captain Dennis Labay, ang mga tauhan sa kanilang dedikasyon sa tungkulin sa pamamagitan ng aktibong paglilingkod sa malalayong Coast Guard units sa WPS, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Sinuportahan din ng mga miyembro ng Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MARIG) ang naturang inisyatibo. ( Daris Jose)
-
“Project alis lungkot” inilunsad sa OSSAM
INILUNSAD kahapon sa Ospital ng Sampaloc (OSSAM) ang “Project Alis Lungkot” para sa mga pasyente na nasa isolation upang makasagap ng libreng internet access para makausap ang kani- kanilang mga pamilya habang nasa ospital. Sinabi ni Manila Mator Francisco “Isko Moreno”Domagoso ,umaasa siya na makakabawas ito sa stress na nararanasan ng ating mga pasyente […]
-
Federer umatras na sa paglalaro sa Tokyo Olympics
Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics. Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod. Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon. Labis itong nadismaya at nanghihinayang […]
-
Catantan tumagpas ng 3 panalo sa Ohio fencing
NILADLAD kaagad ni Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar Samantha Kyle Catantan ang bangis ng isang Pinay nang tumagpas ng tatlong panalo sa Ohio State Invitational linggong nagdaan sa Columbus,USA. Unang nakaeskrimahan ng PSU men’s at women’s fencing teams sa torneo ang mga koponan ng Notre Dame, Duke at North Carolina. […]