• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Newly installed Army chief LtGen. Sobejana tiniyak walang sundalong aabuso sa Anti-Terror Law

Tiniyak ni newly-installed Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na hindi maaabuso ang bagong batas na Anti-Terror Law of 2020 sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

 

Ito’y sa kabila ng pangamba ng mga kritiko na mismo ang mga tagapagpatupad ng batas ang aabuso dito.

 

Ayon kay Sobejana habang siya ang commanding general ng Philippine Army kaniyang sisiguraduhin na tumutupad sa batas ang mga sundalo.

 

Binigyang-diin ni Sobejana na itataguyod ng Philippine Army ang “rule of law”, pag-galang sa karapatang pantao at pagtalima sa international humanitarian law sa kanilang pagtugis sa mga kalaban ng estado.

 

Kaniyang sisiguraduhin na ang bawat sundalo ay mag-e-“exercise” ng “self-restraint” at disiplina sa pagpapatupad ng Anti- Terrorism Law.

 

Sinabi ni Sobejana, sa gitna ng pagka-abala ng mga sundalo sa paglaban sa pandemya ay realidad parin ang pagsugpo sa terrorismo partikular sa Mindanao.

 

Naniniwala naman ang heneral na sa pamamagitan ng kooperasyon ng komunidad at ibat-ibang stakeholders hindi malayong mapagtagumpayan ang kampanya laban sa terorismo, at insurgency.

 

Siniguro naman ni Sobejana sa publiko na lalo pang palalakasin ng Army ang kanilang paglilingkod sa bayan at ipagtanggol ang mga ito laban sa mga kalaban ng estado at mapanatili ang peace and order. (Gene Adsuara)

Other News
  • Higit 5,000 dagdag na COVID case sa PH, halos 100 bagong nasawi – DOH

    Mula sa 6,216 kahapon, bahagyang bumaba sa 5,479 na ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,548,755 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Sa ilalim ng […]

  • Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert

    BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.     Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan […]

  • Mag live-in partner kulong sa P10.2 milyong shabu

    Nasamsam sa isang mag live-in partner na hinihinalang big-time drug pushers ang nasa P10.2 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ernesto Francisco alyas “Ikong”, 49 at Genelyn Mararac, […]