• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NIGERIAN NATIONAL NA SANGKOT SA CYBER CRIME, IKINUSTODIYA NG BI

HAWAK  na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na nauna nang naaresto at ikinulong dalawang taon na ang nakararaan dahil sa pagkakasangkot sa credit card fraud and cyber-crime activities.

 

 

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ng BI’s fugitive search unit (FSU) ang Nigerian national na si Emmanuel Obi Nwadkure, 26, na inaresto sa Hall of Justice bldg. sa  Muntinlupa City.

 

 

Ang FSU ay armado ng mission order na inisyu  ni Morente na isinilbi sa Nigerian habang nag-attend ng kanyang hearing  sa Muntinlupa City regional trial court.

 

 

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy  na kinakailangan na nasa kustodiya nila ang Nigerian para masiguro na hindi tatakas o magtatago habang dinidinig ang kaso laban sa kanya.

 

 

Sinabi pa ni Sy ay pinayagan mag-piyansa ang dayuhan kaya pinakawalan sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

 

Paliwanag ni Sy na sa kasalukuyang batas, ang isang dayuhan na may pending criminal case at nakalaya dahil sa piyansa ay kinakailangan ilipat sa kustodiya ng BI bilang bahagi ng deportation proceedings.

 

 

Sa datos, ang Nigerian national ay overstaying na, kung saan inaresto noong  Sept. 8, 2020 ng mga ahente ng anti-cyber crime unit ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa paglabag sa  Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Magpi-PBA hindi na daraan sa D-League

    HINDI na magiging batayan ng mga papasok sa 37th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 ang paglalaro sa PBA Developmental League.   “Tatanggalin na ‘yung application ng D-League,” pahayag kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Wala nang pre-requisite na D-League.”   Kasunod ito sa paglalabas na rin ng professional hoops league ng applications para sa mga rookie hopeful, […]

  • Bilang ng Covid-19 infections noong nakaraang Agosto 2020, posibleng maulit ngayon

    SINABI ng Malakanyang na papalapit na ang bilang ng COVID-19 infections na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.   Matatandaang noong Agosto 2020 ay pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panawagan ng mga health workers para sa 2-linggong pagbabalik ng Metro Manila sa itinuturing na “second strictest lockdown level” dahil sa pagbaha ng mga […]

  • Bea, tahimik na nagpasabog sa pag-babu sa Star Magic

    TAHIMIK lang ang naging transaction o transition ng paglipat ni Bea Alonzo ng management.   Mula sa ABS-CBN Star Magic hanggang sa pangangalaga na ngayon ng bago niyang manager na si Tita Shirley Kuan.   Kaya biglang pasabog na lang na nag-babu na si Bea sa loob ng maraming taon na management niya. Pero binigyang-diin […]