NLEX MAG-AABANG LANG KAY NIETTO
- Published on August 3, 2020
- by @peoplesbalita
HANDANG maghintay ang North Luzon Expressway o NLEX kay Matt Nieto.
Ang 22-anyos na basketbolista ang third pick ng Road Warriors at isa sa kambal na panalpok ng Ateneo de Manila University, hinugot siya sa Gilas Pilipinas Special Draft -Philippine Basketball Associatiopn (PBA) Rookie Draft 2019.
NLEX ang pro team niya, pero magsisilbi muna sa national squad si Nieto, pati ang apat na iba pang kasama niya sa special draft. Pagkatapos ng tour of duty sa PH 5, saka pa lang sila makakapaglaro sa propesyonal na liga.
Top choice ng Terrafirma (dating Columbian) si Isaac Go, nambulaga ang Blackwater sa No. 2 nang tapikin si Rey Suerte ng University of the East. No. 4 ng Alaska Milk si Allyn Bulanadi ng San Sebastian College, puminid ang round nang kalabitin ng Rain or Shine sa No. 5 ang kambal ni Matt na si Mike.
“Si Matt Nieto obvious naman (kung bakit kinuha),” komento kahapon sa people’s BALITA ni Road Warriors coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.
Magkakakampi sa ADMU Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sina Go, Matt at Mike. Kasama si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, importanteng piyesa sila sa three-peat championship ng koponan noong 2017-2019 sa liga.
“Alam natin siya ‘yung isa sa mga leader ng Ateneo na nag-champion,” dagdag ng NLEX bench strategist. “Maganda ‘yung background niya, maganda ‘yung upbringing n’ya not only as a player but as a person. Ako nakakasigurado ako na makakadagdag din ‘yan sa team namin.” (REC)
-
Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media
BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 . “Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng […]
-
Barangay captain niratrat ng riding-in-tandem sa Malabon, todas
NASAWI ang isang 69-anyos na barangay captain matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kahapon ng umaga. Bandang alas-4:30 ng hapon nang malagutan ng hininga habang ginagamot sa MCU hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan at kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si […]
-
China atras sa Int’l sports
Pansamantalang hindi muna lalahok ang China sa mga international competition at sports sa natitirang buwan ng 2020. Ayon sa China, tigil muna rin umano ang ginagawa nilang pagsasanay para sa paglahok sa 2022 Winter Olympic Games sa Beijing at Zhangjiakou. Naapektuhan umano ng nasabing kautusan mula sa General Administration of Sports ang anim […]