No. 24 sa jersey nina Ravena, Manuel aprub sa PBA
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
PINAYAGAN na sina Vic Manuel at Kiefer Ravena ng PBA na baguhin ang kanilang jersey number sa pagsisimula ng season-opening ng Philippine Cup bilang tribute sa kanilang idolong si Kobe Bryant.
Sinabi ni Commissioner Willie Marcial na dapat magsabi ang mga manlalaro at ibang mother ballclubs sa liga tungkol sa plano nilang pagpapalit upang makagawa ng adjustment bago ang season opener.
“I-notify lang nila ng mas maaga yung liga para mailagay sa official roster yung bagong jersey number nila,” pahayag ni Marcial.
Dagdag nito, dapat makipag-ugnayan ang PBA properties at mother ballclubs nina Ravena at Manuel tungkol sa naturang pagpapalit upang makagawa ng adjustments lalo na sa team merchandise.
Dala ni Manuel ang No. 87 na numero sa Aces bilang tribute sa kanyang anak na ipinanganak noong Agosto 7 habang No. 15 naman ang ginagamit ni Ravena mula pa noong high school ito.
Buong pagmamalaki namang ipinakita ni Manuel ang No. 24 na jersey na isinuot niya sa katatapos lang na Phoenix Super Basketball Tournament.
“Ito na suot ko na ‘yung (no.) 24. Binigyan na ako ng no.24. Sinabi ko na kay coach Franco (Atienza) at management na magpapalit ako ng numero,” pahayag nito.
“Sobrang idol ko kasi yun si Kobe,” dagdag pa ni Manuel na ikatlong beses nang nagpalit ng jersey number.
Dati na nitong sinuot ang No. 4 para sa Aces ngunit pinalitan niya ito ng 87 dahil palagi umano siyang nai-injure kapag ginagamit niya ito sa Aces. (REC)
-
Mungkahi ni Joseller Guiao
ISYU para kay Joseller ‘Yeng’ Guiao ang planong mala-National Basketball Association (NBA) style bubble ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa restart sa mid-October. Iginiit niya sa isang talakayan nitong isang araw, na puwedeng magkaproblema sa isipan ang mga papasok roon sanhi sa pagkainip ng mga manlalaro ng propesyonal na liga kapag pinagpatuloy ang […]
-
Tropa ni LeBron niresbakan ng Heat
Sa kanilang NBA Finals rematch matapos ang apat na buwan ay niresbakan ng Miami Heat ang nagdedepensang Lakers, 96-94, tampok ang 27 points ni guard Kendrick Nunn. Tumipa si Jimmy Butler ng 24 points at 8 rebounds para sa Miami (13-17) habang humakot si center Bam Adebayo ng 16 markers at 10 boards. […]
-
PGH, PELIGRO SA KAKULANGAN NG NURSE
NALALAGASAN ngayon ng mga nurse ang Philippine General Hospital (PGH) matapos na magsipagbitiw sa ospital. Ayon kay PGH spokesperson Jonas Del Rosario may kabuuang 107 nurse ang nagbitiw sa Ospital mula noong nakaraang taon. Aniya, 59 nurse ang nagbitiw noong nakaraang taon habang 48 ang natira mula Enero hanggang Hunyo ngayong […]