• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 5 most wanted person ng Valenzuela, nalambat sa Laguna

HINDI na nagtagal sa pagtatago ang isang binata na nakatala bilang No. 5 most wanted sa Valenzuela City matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Cabuyao, Laguna, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Chirre Gard David alyas Jay R Roxas David, 20 ng No. 18 216 Phase 7 NHV, Barangay Tigbe, Norzagaray, Bulacan.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police na naispatan ang presensiya ng akusado sa Cabuyao, Laguna.

 

 

Kaagad bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/Lt Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:20 ng hapon sa kahabaan ng Pulo Diezmo Road, Cabuyao, Laguna.

 

 

Ani Lt. Bautista, ang akusado na nakatala naman bilang No. 10 MWP ng NPD ay pinosasan nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong August 17, 2023, para sa kasong Statutory Rape.

 

 

Ang akusado ay pansamantalang nakapiit sa Costudial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

 

 

Pinuri naman ni BGen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • 52% ng Pinoy ‘disapprove’ sa pagtugon ni Marcos Jr. sa inflation — Pulse Asia

    LAGPAS  kalahati ng Filipino adults ang kritikal sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating sa pagkontrol ng pagtaas ng presyo ng bilihin, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Martes.     Ito’y kahit na nakakuha ng 78% na performance rating si Bongbong sa parehong pag-aaral, bagay na mayorya […]

  • Ads May 3, 2024

  • 2,700 manggagawa maaaring mawalan ng trabaho dahil sa cashless scheme sa tollways

    Maaaring tinatayang 2,700 na manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa expressways dahil sa pagpapatupad ng tuluyang cashless toll collection.   Sinabi ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) president Rodrigo Franco na may 715 na mangagawa sa kanilang 377 toll booths ang maaapektuhan dahil sa paglipat sa cashless scheme sa kanilang mga tollways tulad ng North […]