• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTF, kumbinsido na maitatama ang US CDC advisory ukol sa pagbiyahe sa Pinas

KUMBINSIDO ang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na ang kamakailan lamang na advisory mula sa US Centers for Disease Control and Prevention na nagpalabas ng babala laban sa pagbiyahe sa bansa ay maitatama sa oras na ang ahensiya ay makatanggap ng pinakabagong COVID-19 data ng Pilipinas.

 

 

“I’m sure maco-correct nila ‘yan as soon as they get the new data… I’m sure ang binasehan nila diyan ay lumang data natin,”  ayon kay Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa briefing, araw ng Miyerkules.

 

 

Ani Herbosa, tila hindi aware ang US CDC na ang bansa ay nakapagtala ng 9,000 cases, araw ng Martes at ang alert level at risk classification, ay bumaba na sa National Capital Region.

 

 

Sinabi ng US CDC na ang Pilipinas ay kasama sa listahan ng mahigit 100 bansa sa ilalim ng “Level 4: COVID-19 Very High” category, na ang ibig sabihin ay mayroong mahigit sa 500 cases kada 100,000 residente sa nakalipas na 28 araw. (Daris Jose)

Other News
  • Kathryn, pinuri ang SMC sa ginawang pag-rescue sa mga naiwang aso sa Bulacan

    BILANG isang fur mom ng labing-isang aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project.         “I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” […]

  • PIA, wala pa ring kupas ang ganda at kaseksihan; first time sa Maldives at kasama pa si JEREMY

    PATULOY ang pagpapakita ng alindog ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa taong 2021.   Ang latest ay ang pinost niyang bikini photos na kinunan sa Maldives kunsaan kasama niya ang boyfriend na si Jeremy Jauncey.   Walang kupas ang ganda at kaseksihan ni Pia. Effortless din ang mga poses niya sa kanyang mga […]

  • Simbang Gabi puwedeng ganapin sa mga gymnasiums, iba pang malalaking venues

    Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mananampa­lataya sa mga simbahan sa tradisyunal na Simbang Gabi, nagtakda ng mga pagbabago ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kabilang ang pagsasagawa ng naturang misa sa mas malala­king mga venues tulad ng mga gymnasiums. “Sa Simbahan 30 percent lang ang ina-accommodate na mass goers kaya pwede sa […]