Obrero dedbol sa pamamaril ng 2 kalugar sa Malabon
- Published on December 29, 2023
- by @peoplesbalita
TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 40-anyos na construction worker matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang kalugar na kanyang nakaalitan sa Malabon City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Cresencio Casas, ng No. 5 Atis Rd San Miguel Brgy. Potrero.
Tinutugis naman ng pulisya para maaresto ang mga suspek na sina Ericson Francia alyas Onetit at Archie Bautista, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira din sa nasabing lugar.
Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Lasbuenas Garment sa Industrial Road Brgy. Potrero.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Casas at mga suspek sa labas ng bahay ng biktima subalit, naawat naman sila ng mga bystander.
Gayunman, nang umalis ang biktima ay sinundan siya ng mga suspek at habang nakatayo si Casas sa harap ng Lasbuenas Garment ay isa sa mga salarin ang naglabas ng baril saka sunod-sunod na pinaputukan siya sa katawan bago mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang metal fragment, isang improvised hand gun na kargado ng isang bala ng 12 gauge shotgun, dalawang patalim, at isang coin purse na naglalaman ng dalawang plastic sachets na may laman ng hinihinalang shabu.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
Sinovac, kahanay na ng Pfizer, AstraZeneca at iba pang Covid-19 vaccines
LABIS na ikinatuwa ni National Task Force o NTF against Covid-19 consultant Dr. Ted Herbosa ang ulat na kasama na rin ang Sinovac sa Emergency Use Listing ng World Health Organization (WHO). Sa Laging Handa briefing public briefing ay sinabi ni Herbosa na, malaking bagay na kabilang ang SInovac sa EUL ng WHO na […]
-
Pinas inaasahan na ang 194k doses ng Moderna ngayong Marso
INAASAHAN ng Pilipinas na matatanggap na nito ang 194,000 doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines sa buwan ng Mayo. “It is expected to arrive, 194,000, most likely this coming May,” ayon kay , vaccine czar Carlito Galvez Jr. Bahala na aniya ang National Immunization Technical Advisory Group kung anong priority group ang […]
-
SBP, nakikipag-ugnayan na sa gov’t para makauwi si Kai Sotto sa PH para sa qualifiers
Nakikipag-ugnayan na umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pamahalaan para matulungan si Kai Sotto na makauwi sa Pilipinas bago ang FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. Una rito, inanunsyo ng 18-anyos na si Sorro na nais nitong maglaro para sa Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling window ng continental qualifiers, na gagawin […]